Saturday , November 16 2024
Camille Villar Mariel Rodriguez Shalani Soledad

Camille Villar friends pa rin kina Mariel at Shalani; nag-akda ng bill para sa mga mamamahayag, film industry

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SAYANG at tinuldukan na ni Rep Camille Villar ang kanyang showbiz career. Hindi niya raw kasi talaga linya ang pag-arte gayundin ang pagkanta o pagsayaw.

Bagamat hindi naman din siya nagsasabing hindi na niya papasukin ang pagho-host, anything is possible. 

Never say never. Hindi lang talaga ako marunong umarte o kumanta o sumayaw,” ani Camille sa isinigawang Luncheon get-together na ginawa sa Brittany Hotel, BGC, Taguig City.

“So, kaya ko tinuldukan ‘yon dahil hindi talaga, kahit anong gawin ko… but again, with anything, never say never,” nakangiting sabi pa ng 39-anyos na si Camille nang matanong kung babalik pa ba siya sa pagho-host ng variety game show.

At dahil sa pagiging co-host niya noon sa programang Wil Time Bigtime  ni Willie Revillame noong Oktubre 2010-Enero 2013 sa TV5 nabuo ang pagkakaibigan nila nina Mariel Rodriguezat Shalani Soledad-Romulo. Naitanong sa kongresista kung kumusta na sila?

We’re very good friends. Until now, we see each otherMariel is the Godmom of my kids, so we still see each other a lot. And ‘yung friendship na sinimulan namin more than ten years ago is even stronger now.

“Before we were hosting, our lives were different then. Now, we’re moms. So we have a lot of things to share.

“And I’m just very happy that we managed to remain friends, and became even closer friends as the years went by,” paglalahad ng kongresista.

Sinabi pa ni Camille na kahit abala si Mariel sa mga online business nito, nakakapag-tsikahan pa rin sila ukol sa motherhood, buhay-buhay, at iba pa.

Ukol naman sa friendship nila ni Willie, sinabi nitong nanatili pa ring maganda hindi lang sa kanya, kundi sa buong pamilya.

We have a very good relationship. He’s very close to not just me, but to the whole family. Ang lalim na ng pinagsamahan namin. So, our relationship is very good,” anang ina nina si Tristan, 8 at Cara, 14 months old.

Sa kabilang banda, tiyak na marami ang matutuwang Journalists na katulad namin dahil sa isinusulong na panukalang batas ni Las Piñas Rep. Camille.

Gayundin ang pagtulong niya sa mga movie producer para sa muling pagbangon ng industriya ng pelikulang Filipino na matinding naapektuhan ng pandemya.

Dalawang panukala sa House of Representatives para sa karagdagang social safety nets para sa mga peryodista at seed fund na magbibigay sa local movie industry ng pondong pagpo-prodyus ng world-class films ang isinusulong ng kongresista.

Sa panukalang House Bill No. 6543, hangad ni Villar na bigyan ng “disability, health, and hospitalization benefits” ang mga practicing journalist.

Minamandato ng panukala ang Social Security System at ang Government Service Insurance System na lumikha ng special coverage para sa freelance journalists, lalo na sa mga naka-assign sa war zones, conflict-stricken areas, at calamity-affected places.

Mahalagang pangalagaan ang mga mamamahayag, lalo na ang mga naka-assign sa mga delikadong lugar. Itinataya nila ang kanilang buhay para makapagbigay ng napapanahong balita para sa mga Filipino kaya’t nararapat lamang na bigyan natin sila ng proteksiyon at dagdag na benepisyo para sa kanilang sakripisyo,” ani Rep. Villar.

Nagpasa rin ang representative ng Las Pinas ng House Resolution No. 451 na bubuo ng “seed fund” o karagdagang pondo sa local movie industry para maengganyo ang filmmakers na makagawa ng quality films na maaaring ilaban sa international arena.

Sa nasabing proposed legislation, bibigyan ng pamahalaan ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng pondong susuporta sa industry stakeholders para bumuo ng bagong marketing strategies para mas patindihin ang tsansa ng Pilipinas na muling kilalanin sa international film festivals.

Makakuha man lang ng nomination, o manalo, o masali sa shortlist ng foreign award-giving bodies tulad ng prestihiyosong Oscars ay lalong magpapatibay sa reputasyon ng Pilipinas bilang bansa ng world-class talents at quality movies, na magbubukas ng dagdag na employment at livelihood para sa mga Filipino,” sabi pa.

Parehong nakapending ang dalawang panukala sa committee level.

Bukod sa pagiging public servant, si Rep. Villar din ang President at CEO ng AllValue Holdings Corporation, na retail arm ng Villar Group of Companies na namamahala sa AllDay Supermarket, AllHome, at Coffee Project, na pinrangalan na para sa papel niyang ito.

Noong 2022, iginawad ang Stevie Awards for Women in Business in Las Vegas sa AllHome Builds at ang Bronze Award for Community- Involvement Program of the Year para sa Women-owned o Women-led Organizations.

Pinaranangalan din si Rep. Villar bilang Government Hero of the Year para sa kanyang ginawa noong panahon ng COVID-19 pandemic.

Kinilala rin siyang Female Executive of the Year, Silver Awardee in Asia, Australia, at New Zealand para sa kanyang  expertise bilang president and chief executive officer of AllValue Group.

Kamakailan, kasama si Rep. Villar sa paglulunsad ng partnership ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) at ABS-CBN Corporation.

Ang nasabing partnership ang maghahatid ng up-to-date news at entertainment programs sa Filipino audiences via ALLTV na available sa Channel 2 free TV, cable, at satellite TV sa buong bansa.

Bukod sa pagiging public servant at entrepreneur, hands on mom din ang anak nina Manny at Cynthia Villar sa kanyang mga anak na sina Tristan at Cara.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …