Thursday , April 3 2025
gun ban

Sinita sa paninigarilyo umeskapo
MISTER TIMBOG SA BARIL, 2 BALA

SA SELDA bumagsak ang isang lalaki nang mabisto ang dalang baril makaraang tangkaing takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 13 sa Phase 7C, Bagong Silang, Brgy. 176 dakong 1:00 am nang maispatan nila ang isang lalaki na nagyoyosi sa pampublikong lugar, malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

Nang hanapan siya ng ID para maisyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ay bigla umano nitong itinulak ang mga pulis saka kumaripas ng takbo upang tumakas kaya hinabol siya ng mga parak.

Gayonman, natalisod at nadapa ang suspek kaya naabutan siya ng mga arresting officer at dito nila napansin ang nakausling puluhan ng baril na nakasukbit sa kanang baywang ng lalaki.

Kaagad pinosasan ng mga tauhan ni Col. Lacuesta ang suspek na si alyas Popoy at kinompiska ang dala niyang isang cal. 38 revolver na may dalawang bala.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …