RATED R
ni Rommel Gonzales
MANAGOT na ang dapat managot dahil patuloy ang pagsabog ng katotohanan sa Makiling.
Mukhang malapit na talaga ang katapusan ni Portia (Myrtle Sarrosa) dahil hindi na mapigilan ang paglabas ng kanyang baho, lalo na ang masasamang nagawa niya sa pamilya ni Amira (Elle Villanueva) ilang taon na ang nakalipas.
Damang-dama rin ang emosyon sa eksena nang aminin ni Seb (Kristoffer Martin) kay Maxine (Claire Castro) ang ginawa niyang panggagahasa kay Amira noon. Marami tuloy ang lumalabas na haka-haka mula sa mga marites kung magiging game over na ba ang relasyon ng dalawa.
Dahil sa tumitinding mga kaganapan, hindi na rin makabitiw sa pagsubaybay ang sambayanan. Umabot nga ng mahigit 1.8 million views ang latest trailer ng serye at patuloy itong pinag-uusapan online.