HATAWAN
ni Ed de Leon
NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino sa kanyang mga naging leading man ang pinaka-masarap humalik. Ang sagot niya ay si FPJ, kasi raw si FPJ kung humalik ay very tender at napakalambot ng lips. Ikinompara pa niya iyon kumbaga sa tsokolate ay Belgian Chocolate.
Ang natawa kami nabanggit din niya si George Estregan na kung sabihin niyon ay matindi rin sa halikan.
“Si George Estregan may tumutulo pang laway na ganyan, pero sa akin talaga walang nakakatalo kay FPJ,” sabi ni Oropesa.
Sa totoo lang napakaraming naka-kissing scene ni Oropesa sa kanyang mga pelikula hindi yata nawawalan ng kissing scene ang mga pelikula niya kaya dapat talaga maniwala sa kanyang pinaka-magaling si FPJ dahil sa dami na ng nakahalikan niya.