I-FLEX
ni Jun Nardo
ORIGINALLY for VivaMax ang pelikula ni direk Mac Alejandre na Isang Gabi na pinagbibidahan nina Diego Loyzaga at Coleen Garcia.
Eh nang mapanood ni Boss Vic del Rosario ang rushes ng movie, sinabihan si direk Mac na maghintay ng tamang timing para ma-release sa sinehan. Isinulat din ang kuwento ni National Artist na si Ricky Lee kaya pumayag si direk Mac.
Medyo sexy ang movie lalo na’t sabi ni Coleen sa mediacon ng movie, may eksena sila ni Diego na naka-underwear lang at may mga maiinit din silang eksena.
Ang isang remarkable sa movie, na-capture ni direk Mac ang ganda ng Maynila na isa sa paborito niyang lugar kahit sa Quezon City siya nakatira.
Mapapanood sa mga sinehan sa May 15 ang Isang Gabi.