Thursday , April 3 2025
arrest, posas, fingerprints

Bantay salakay
SEKYU NG VALE CITY HALL DINAMPOT SA PAGNANAKAW

ARESTADO ang isang bantay-salakay na security guard matapos ireklamo ng pagnanakaw ng alahas at cash ng isang empleyado ng city hall ng lungsod ng Valenzuela.

Ayon kay Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura, Jr., mahaharap sa kasong theft ang naarestong suspek na si alyas Cruz, 40 anyos, residente sa Brgy. Ugong ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si alyas Francisco, 50 anyos, empleyado sa naturang city hall kina Valenzuela police investigators P/MSgt. Regimard Manabat at P/MSgt. Julius Congson, dakong 5:00 pm nitong nakaraang Martes, 23 Abril,  pauwi na siya nang matuklasan niyang nawawala sa kanyang drawer sa accounting office ang kanyang P3,000 cash at gold na singsing na nagkakahalaga ng P10,000.

Nang i-review ni Francisco ang closed-circuit-television (CCTV) camera na naka-install sa kanilang tanggapan, nakita sa kuha ng CCTV na binuksan ni Cruz ang drawer ng biktima gamit ang flashlight ng cellphone nito kaya agad humingi ng tulong sa pulisya si Francisco.

Kaagad inatasan ni Col. Destura si P/Capt. Ronald Bautista, hepe ng Detective Management Unit (DMU) para arestohin ang suspek na inabutan ng grupo sa lobby ng city hall kung saan siya nakadestino at nakuha sa kanya ang nawawalang singsing ni Franciso habang wala na ang pera. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …