Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid Jillian Ward Yassi Pressman Angeli Khang

Angeli balakid kina Ruru at Yassi

NON-STOP talaga ang mga pasabog ng action-packed series na Black Rider dahil magkakasama na ang kasangga ng masa at ang pinakabatang neurosurgeon sa Pilipinas.

Sa trailer na ipinalabas, magku-krus ang landas nina Elias (Ruru Madrid) at ni Doc Analyn (Jillian Ward) ng Abot-Kamay na Pangarap. Marami ang curious kung ano nga ba ang magiging papel ng doktora sa buhay ng bida lalo’t sa trailer ay parehong duguan sina Elias at Doc Analyn sa isang eksena.

Dahil sa crossover ng dalawang hit Kapuso series, talaga namang lalong na-excite ang viewers sa mga susunod na mangyayari sa serye. Komento ng isa, “Dami talagang medical mission ni Doc Analyn! Gusto ko na tuloy panoorin ang eksenang kasama siya.”

Hirit naman ng isang viewer, “Nako, hindi pwedeng mamatay si Doc sa Black Rider kundi katapusan na rin ng kanyang mga pangarap.”

Bukod kay Doc Analyn, tutok din ang viewers sa pagdating ni Nimfa, ang karakter na ginagampanan ni Angeli Khang. Sey ng iba, mukhang magiging balakid siya sa love story nina Elias at Bane (Yassi Pressman).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …