MA at PA
ni Rommel Placente
SA isang episode ng It’s Showtime ay inamin ni Vice Ganda na naka-experience na rin siya ng mga nakakalokang pagtrato mula sa kanyang toxic friends at kung paano niya ipinaglaban ang mga taong minamahal sa mga ganitong klase ng mga kaibigan
Sabi ni Vice, hinding-hindi siya papayag na laitin at maliitin ng mga kaibigan niya ang kanyang partner.
“Hindi ako magiging mabait sa iyo habang winawalanghiya mo ang asawa ko. Hindi. I will give back the same energy. Makakaasa ka. Hindi na ako ganoon kabait,” ang malalim na hugot ng TV host-comedian.
Aniya pa tungkol sa boundaries na kailangang irespeto ng mga kaibigan niya, “I will protect this space. Hindi ako lalabas para sa inyo. Hindi rin kayo makakapasok. Proprotektahan ko itong espasyong ito.”
Para naman sa content creator at talent manager na si Ogie Diaz, may mga pagkakataon din daw na talagang umiiwas muna siya sa mga kaibigang may mga nega vibes.
Sa kanyang Facebook account, nag-post si Papa O ng kanyang saloobin about toxic friends.
“Hay, nako. Di muna ako nakikipagkita sa ibang friends ko! Ang to-toxic na nila!” ang simulang pagbabahagi ng online host.
“Madalas kong marinig yan. Minsan kong narinig yan sa isang kaibigan. Gusto kong sabihin sa kanya, ‘Uy, baka it’s the other way around. Ikaw yung nilalayuan kasi ikaw ang toxic.’
“Pero siyempre, hindi ko na sinabi. Hahahahaha!
“Honestly, me ganyang episode din ako. Me mga kaibigan kang ayaw mo munang makita dahil imbes na gumaan ang araw mo eh kung anu-ano ang hinaing at problema sa buhay.
“Parang siya lang ang may-ari ng oras at emosyon mo. At dapat handa ang tenga mong makinig sa rant niya in life. Lalo na yung mga kwentuhang ibinibida lagi ang sarili,” pagbabahagi pa ni Ogie.
Ang palagi niyang advice sa kanyang friends, “‘Wag n’yong sabihing tumakas ka muna sa mga toxic na tao. Kasi, baka balikan ka at sabihing ikaw naman ang toxic talaga at hindi sila.
“Ang dapat mong sabihin, ‘Pahinga muna ako. Baka toxic na ako sa inyo, nakakahiya naman.’
“O, ano pa sasabihin nila sa linya mong yan? Inako mo na ang ugali nila (emojis),” sey pa ni Papa O.