Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel bumaba ang TF nang mahiwalay kay Kathryn

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATATAWA kami noong isang araw sa isang blog, na nagsasabi kung gaano kalaki raw ba ang talent fee ni Daniel Padilla sa bawat taping day ng isang serye, sa bawat pelikula, at sa bawat endorsement na gagawin nito?

Pero sa ngayon sinasabi nilang hindi na ganoon ang presyo ni Daniel simula nang maghiwalay silang dalawa ni Kathryn Bernardo, kasi naniniwala ang mga tao na malakas lang siya dahil sa kanilang loveteam, at ngayong wala na sa kanya si Kathryn, hindi na niya kayang bumatak pa gaya ng dati.

In the first place kasi sumama ang kanyang image. Lumalabas na napakatinong babae si Kathryn. Pagkatapo  iyon pala ay dino-double cross niya, at mismong ang kasama pa niya sa milagro na si Andrea Brillantes ang umamin ng lahat kay Kathryn.

Siguro naiba ang istorya kung si Daniel mismo ang umamin ng nangyari kay Kathryn, kasi maiisip mong kaya siya umamin ay tanggap niya ang kanyang pagkakamali at hindi na niya uulitin. Pero dahil iyong babae mismo ang umamin, naroroon ang espekulasyon na hindi lang minsan kundi paulit-ulit na nangyari iyon. Bukod doon, may lumalabas pang iba bukod kay  Andrea na sinabitan din ni Daniel.

Nang mapagtahi-tahi ang mga kuwento, lumalabas na anim daw ang naging syota niya habang on pa sila ni Kathryn. Aba eh lumuha man siya ng bato hindi na nga babalik si Kathryn sa kanya.

In the first place, marami namang matino na nag-aambisyong manligaw kay Kathryn at nakahanda rin sa isang malinis na intensiyon.

Bakit pa nga ba niya babalikan si Daniel?Magbigay nga kayo ng magandang dahilan para sila magbalikan? 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …