Sunday , December 22 2024
Marco Gallo Heaven Peralejo Marven

MarVen nagsabog ng sweetness sa mediaconmmute 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NILANGGAM tiyak ang bus na sinakyan namin noong Miyerkoles ng hapon dahil sa sobrang sweetness ng tambalang Marco Gallo at Heaven Peralejo (Marven) para sa kanilang “mediaconmmute” na bumiyahe kami mula Quezon City patungong Alabang. Ito’y para sa latest team-up ng Marven na handog ng Viva Films, MediaQuest Ventures, Sari Sari Network, at Studio Viva, ang pelikulang Men Are From QC, Women Are From Alabang.  

Nagkaroon nga ng ‘mediaconmmute’ sa loob ng bus ang MarVen para ipa-experience sa mga sumama sa mediacon kung paano nagko-commute si boy ng QC patungong Alabang makita lang si girl. 

Exciting at nakatutuwa ang experience na iyon na habang bumibiyahe eh nagkaroon ng tanungan at exciting games na game na game ang MarVen. Kapansin-pansin na sobrang sweet talaga ang dalawa, kaya nakatitiyak kaming may namamagitan na sa dalawa. Kaya nga ang sagot ni Marco nang tanungin ang status ng kanilang relasyon eh, what you see is what you get dahil hindi na nga naman kailangan pang tanungin dahil obvious sa ipinakikita nilang sweetness.

Sa ilang games na truth or dare ay  nahingan si Heaven ng taong kaya niyang i-impersonate, at si Marco pa rin ang napili niyang gayahin. Ginaya niya ang aktor kung paano iyon kiligin. Patunay na kilalang-kilala niya ang ka-loveteam. Hiningan din sila ng best photo ng bawat isa sa kani-kanilang cellphone at ang ipinakita ni Heaven ay iyong picture ni Marco na naka-white shirt na tila nabigla at bamtambata pa ang aktor. Esplika ni Heaven, cute roon si Marco at iyon ‘yung biglaang nagkayayaan sila na mag-bar at sobrang good night ang na-experience nila. Si Marco naman ay iyong picture na kinunan niya at ipina-develop. Gandang-ganda siya roon aniya, dahil naka-smile si Heaven.  

Ang Men Are From QC, Women Are From Alabang ay hango sa best-selling na libro ni Stanley China may ganito ring titulo. Kuwento ito ng magkarelasyong nagkakalabuan dahil sa ilang pagsubok sa paglago, kasiguraduhan sa isa’t isa, seguridad, at distansya ng Quezon City at Alabang.

Iikot ito sa love story nina Tino (Marco) at Aica (Heaven) mula sa kani-kanilang point of view. Opposites sina Tino at Aica na magtatagpo sa trabaho at mahuhulog sa isa’t isa.

Kahit may kanya-kanyang problema at maraming pagkakaiba, hindi nila mapipigilang gustuhin ang isa’t isa at mananatiling matibay ang kanilang relasyon habang sinisimulan ang kanilang mga karera.

Nang lumipat ng trabaho si Tino, daraan sa matinding pagsubok ang kanilang relasyon. Magkakaroon ng distansiya sa kanila, bibigat ang mga responsibilidad sa trabaho at hihirap ang paglalaan ng oras at enerhiya para magkita.

Ang balik-tambalan ng MarVen ay mula sa direktor ng hit Viva One series na Safe Skies, Archer, si Direk Gino Santos.

Nagsama at nagbida rin ang MarVen sa still showing na pelikulang Sunny, ang Pinoy adaptation ng hit Korean movie, at The Ship Show na pinamahalaan naman ni Direk Jason Paul Laxamana.

Humandang kiligin at makaranas ng heartbreak kasama sina Heaven at Marco sa Men Are From QC, Women Are From Alabang na mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula May 1.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …