Friday , November 15 2024
dead gun police

Lalaki ‘bumulagta’ sa boga ng 2 suspek

BUMULAGTA ang duguang katawan ng 40-anyos lalaki nang pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek sa Malabon City, Linggo ng madaling araw.

Kaagad nalagutan ng hininga ang biktimang si Ruel Clapano, residente sa C. Perez St., Brgy. Tonsuya sanhi ng isang tama ng bala sa ulo habang mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Sanciangco St., sa nasabing barangay.

Sa ulat nina P/MSgt. Ernie Baroy at P/MSgt. Diego Ngippol kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong 12:30 am nang maganap ang insidente sa Pilapil St., Palmario 2, Brgy. Tonsuya.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumabas ng bahay ang biktima at nagtungo sa nasabing lugar nang dumating ang dalawang lalaki na kapwa nakasuot ng-jacket at naka-facemask.

Isa sa mga suspek ang bumunot ng baril saka pinagbabaril ang biktima na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan habang nakuha ng pulisya sa crime scene ang isang basyo ng bala ng kalibre. 45 baril.

Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya para sa posibleng pagkakakilalan para sa agarang ikadarakip ng mga salarin habang inaalam pa ang motibo sa nasabing insidente. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …