Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang quote cards, na ginawa umano ng kanyang mommy Annabelle Rama, na umano’y nagsalita ito ng hindi maganda laban sa kanyang dating manugang na si Sarah Lahbati.

Isa na rito ang umano’y matapang na pahayag ni tita Annabelle tungkol sa bagong dyowa raw ni Sarah na naispatang ka-date sa Hong Kong.

Ang nakalagay sa naturang fake quote card, “Nakikita n’yo! nakita n’yo nakikita n’yo naman ‘yan hindi ko na kailangan pa magsalita.

“Oo may kasama sa hongkong ang bruha,” ang nakasulat sa pekeng quote card na ang tinutukoy ay ang nag-viral na litrato ni Sarah na may ka-date raw na foreigner guy sa Hong Kong.

Nauna nang itinanggi ni Sarah na dyowa niya ang naturang lalaki, aniya friend lang niya iyon pero ipinagdiinan niya na single naman siya ngayon kaya walang isyu kung ma-link man siya sa iba.

Sa isa pang quote card ay mababasa naman na inamin daw ni Tita Annabelle na nagbakasyon si Richard kasama ang aktres na si Barbie Imperial.

Nakasulat pa roon na mas boto raw siya kay Barbie at ‘di hamak na mas mabait ang dalaga kaysa kay Sarah.

Pero ayon nga sa panganay na anak ni tita Annabelle na si Ruffa, fake news ang mga naglabasang quote cards.

My mom has not uttered a word. Things are peaceful at the moment. Let’s keep it that way,” paglilinaw ni Ruffa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …