Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PA
ni Rommel Placente

SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April 11, natanong siya tungkol sa pagkaka-deport ng dating live-in partner na si Lee O’Brian.

Sabi ni Pokwang, “Para sa ikabubuti naming dalawa and para makapaghanapbuhay na rin siya ng maayos, ako rin ganoon.

“Para makapag-provide kami ng mas maayos para sa anak namin. Kasi kapag nandito siya, alam ko, hindi naman siya makakapag-hanapbuhay dito.”

Ayon pa kay Pokwang, paano ito makapagbibigay ng suporta sa kanilang anak na si Malia kung hindi ito makakapag-hanapbuhay.

Peace of mind na rin ang hatid sa kanya ng pagbalik sa Amerika ni Lee dahil habang nasa Pilipinas ito ay maraming nakararating sa kanya na hindi magaganda na nakaaapekto sa kanyang trabaho.

Habang nandito siya, ang daming nakararating sa akin na hindi maganda na may mga katibayan naman, lalong hindi ako nakakapagtrabaho.

“Kawawa lang ‘yung bata kasi hindi kami makapaghanapbuhay pareho. Bakit ba kami nagtatrabaho? ‘Di para sa anak namin?

“Pero when it comes to karapatan niya kay Malia, hindi ko naman ‘yon ipagdadamot. Basta ayusin lang niya ang buhay niya. Anuman ang mangyari, tatay pa rin siya ni Malia. Hindi ko aalisin ‘yon.

“Kung gusto ni Malia na pumunta roon [sa Amerika], then go fine. Kung gusto niya na dalawin siya ni Malia sa Amerika, okay, go. Ihahatid ko pa, basta ibabalik niya sa akin,” sabi pa ni Pokwang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …