Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vina Morales Ceana Sunny Heaven Peralejo

Vina hiwalay na nga ba sa non-showbiz BF? Co-parenting kay Cedric ok na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MABUTI naman at ayos na pala ang co-parenting nina Vina Morales at dating partner na si Cedric Lee.

Ayon kay Vina nang makausap sa red carpet premiere night ng kanilang pelikulang Sunny ng Viva Films na palabas na sa mga sinehan, okey na sila ni Cedric, ang tatay ng nag-iisa niyang anak na si Ceana.

Nagkademandahan noon sina Vina at Cedric dahil sa kanilang anak. At ngayon maayos na sila.  

“I’m very happy to announce that we’re co-parenting. We’re civil. Okay na. They always find time with each other.

“Actually, this weekend, Saturday and Sunday, they were in Tagaytay. Kasama niya ‘yung dad niya,” pahayag pa ni Vina.

Sinabi pa ng aktres na, “Siyempre, for the sake of our daughter. At saka na-realize ko noong pandemic, parang you know, forgiveness talaga, eh.

“You have to forgive. Life is short. And it’s also for her own sake, ‘di ba? They’re both happy, we’re all happy. I’m happy. So, you know, we’re just enjoying our journey.”  

Natanong naman ang aktres ukol sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Andrew Kovalcin subalit ayaw nitong magbigay ng detalye. Nasa Amerika raw ito ngayon.

“Hindi in love, hindi na nga!” makahulugang sabi nito nang makumusta ukol sa lovelife.  

“Ako kasi, I always believe, with or without, I am complete because I have Ceana, you know. I’m also grateful na I’ve experienced motherhood. So, hindi ako nagmamadali.

“I freezed my egg. If there’s another opportunity for me to have a baby, okay lang. Kasi, naka-freeze naman ‘yung egg ko,” sabi pa ni Vina. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …