Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pokwang

Pokwang pinagbawalang makipag-boyfriend ng anak na si Malia

MA at PA
ni Rommel Placente

IBINAHAGI ni Pokwang ang isang video sa kanyang Instagram Story na mapapanood ang nakatutuwang conversation nila ng 6-year-old na anak na si Malia.

Sa simulang bahagi ng IG reel ng komedyana ay binati muna siya ni Malia ng pagkalambing-lambing sabay sabing, “Mama, I love you.”

Na-touch naman siyempre si Pokwang at sinabihan din ang anak ng, “I love you, too.”

Pero sa sumunod na dialogue ni Malia ay talagang na-shock si Pokey. Sey kasi ng bagets, “And I don’t want you to get a boyfriend.”

Sinagot ni Pokwang ang anak ng, “Huh! Why?” Deadma lang ang bata kaya inulit ng TV host ang tanong, “Why? Why?”

Sagot ni Malia sa kanyang nanay, “Because I saw it from my iPad, mom.” 

Natatawang chika ni Pokey, “Ano raw. Chururut bumblebee ka?”

“No! You’re the one who’s being chururut bumblebee,” ang hirit ni Malia kay Pokey.

Mababasa naman sa inilagay na caption ng Kapuso comedienne sa kanyang IG post, “Ayaw n’ya ako mag-boyfriend!!! Kasi nga ‘yung ama kung siney siney na chaka ang ka-join hahahah.

“Don’t worry nak, ikaw at si ate lang ang priority ko. Pangako ‘yan,” sey pa niya.

Samantala, isa pang video ang ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram page na tinatalakay naman ang tungkol sa isyu ng child support.

Tinag pa niya ang kanyang ex-partner at tatay ni Malia na si Lee O’Brian.

Hoy @leeobrian party party at golf-golf lang? Gurl pakisabi diyan sa ex ko na new problem mo baka gusto niya magbigay ng support! ‘Di ‘yung panay lang landian n’yo!” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …