Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maymay Entrata

Maymay maraming pagsubok ang naranasan kaya nagbalik loob sa Diyos

MA at PA
ni Rommel Placente

SA isang interview, nabanggit ni Maymay Entrata na maraming matitinding pagsubok ang naranasan niya nitong mga nakaraang taon. Ito raw ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagbalik-loob kay Lord. 

Napakarami niyang realizations na mas nagpatatag sa kanyang pananampalataya sa Diyos.

Sabi ni Maymay, “Ang dami pong pagsubok talaga bago ako nagbalik-loob sa Panginoon. ‘Yun ‘yung deklarasyon ko kumbaga, na magko-commit ako fully sa Panginoon.

“Kasi nasanay po ako na kontrolado ko ‘yung buhay ko, ‘yung plano ko. Pero at the end of the day, napapatanong ako, bakit ako napapagod? Kasi ‘yun pala God is in control.”

Ibinahagi rin ng singer-actress sa Instagram account ang litrato at dalawang video na mapapanood ang ginawang pagbibinyag sa kanya sa mismong araw ng Linggo ng Pagkabuhay.

Rebelasyon ni Maymay, ilang beses na ring tinest ang kanyang pananampalataya sa Diyos, isa na nga riyan noong sumabak na siya sa mundo ng showbiz.

I’ve been a Christian since 2015, got lost when I entered the industry, was invited and attended favor church last 2019, took the wrong path again (2021) not until 2023, when I slowly came back to Him.

“When He wrapped His arms around me, without condemning who I was and what I did, it was my turn to surrender all that I am & all that I do for Him — acknowledging that it is He who is in control of my life and not me.”

Dugtong pa niya, “Now, I want to seek Him first before anything else because I know by doing so, everything will fall into its right place.

“Jesus, this is me, who is publicly declaring that I am with You, I’m dying from my sins and I am with You in the resurrection.

“The old is gone and the new has come. I am still not perfect, I am still flawed but the great thing is that I know where and who I belong to!” aniya  pa.

Ilang netizens ang nagpalagay na ang tinutukoy ni Maymay na “wrong path” ay ang pakikipagrelasyon niya sa ex-boyfriend na si Aaron Haskell.

Agad niya itong nilinaw, “Hello po sa lahat, gusto ko lang po mag-explain ng kaunti about doo  sa last post ko sa IG. ‘I took a wrong path again noong 2021.’

“It was my past trauma po. I was hurt and so I hurt other people even the people I love. I’m asking lang po sana to be kind especially po from my past relationship (Aaron). Do not take this against him. From the bottom of my heart maraming salamat po,” pakiusap pa ng dalaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …