Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rice Farmer Bigas palay

DA hinimok para sa pagbaba ng diabetes
PALAY NA MAY ULTRA-LOW GLYCEMIC INDEX ITANIM, PRODUKSIYON PARAMIHIN — PARTYLIST SOLON

HINIMOK ng isang kongresista ang Kagawaran ng Agrikultura (DA) na tulungan ang bansa sa pagpapababa ng malawakang kaso ng diabetes sa pamamagitan ng pagtatanim ng palay na mababa ang nilalamang asukal at mataas ang protina.

Ayon kay AGRI Party-list Rep. Wilbert T. Lee maaaring makipagtulungan ang DA sa International Rice Research Institute (IRRI) upang maipamahagi, sa lalong madaling panahon, ang palay na “ultra-low glycemic index (GI) and protein-rich variety of rice to Filipino farmers.”

Ayon kay Lee, makatutulong ito sa pagbaba ng mga kaso ng diabetes sa bansa.

“Hindi naman po kaila sa atin na ang Filipinas ay isa sa mga nangungunang consumer ng bigas sa buong mundo. At dahil tila permanenteng parte na ng ating pagkain ang kanin, hindi maikakaila ang koneksiyon nito sa rami ng may diabetes sa bansa,” ani Lee.

Base sa pinakabagong datos mula sa International Diabetes Federation noong 2021 ang matandang populasyon ng bansa ay 66,754,400 at mayroong  4,303,899 ang may diabetes. Aniya katumbas ito ng 6.44 porsiyento ng populasyon.

Ayon sa kongresista, noong nakaraang taon, 2023, umabot sa 14,416 ang namatay dahil sa diabetes. Pang-apat ang diabetes sa mga kaso ng pagkamatay sa bansa.

Ani Lee, binabalak ng  IRRI na isulong ang  “ultra-low GI, high protein rice variety” sa susunod na taon (2025).

Ayon sa IRRI, ipinamahagi na ito sa sampung probinsiya.

Umaasa ang IRRI na darami ang magtatanim nito pagkatapos matukoy ang maaaring mercado nito. Anila, ang presyo ng ganitong klaseng bigas ay pareho lamang sa kasalukuyang bigas sa merkado.

“Kapag napabilis natin ang pag-distribute ng variety ng bigas na ito sa ating mga magsasaka, mas mapapabilis din ang pagme-mainstream nito sa mercado,” ani Lee.

“Kapag mas may access at nagawa pa nating mas abot-kaya sa Filipino ang ganitong klase ng bigas, mas marami ang matutulungan nating makaiwas o mabawasan ang alalahanin sa mga chronic disease tulad ng diabetes at mga komplikasyon nito sa kalusugan,”  aniya.

“Dahil sinasabi rin ng mga eksperto na mas mabilis tayong makakaramdam ng pagkabusog sa bigas na ito, mas kaunti rin ang ikokonsumo natin. Bawas na sa pangamba sa sakit, bawas pa sa gastos. ‘Winner Tayo Lahat’ sa bagong uri at mas healthy na bigas na ito,” anang kongresista.  (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …