Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

2 kelot swak sa buybust operation sa Vale

KALABOSO ang dalawang lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos madakip sa magkahiwalay na buybust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Sa ulat ni P/MSgt. Carlos Erasquin, Jr., kay Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura, Jr., ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna nina P/Capt. Ronald Sanchez ang buybust operation laban sa isang alyas Bembol,  41 anyos, taga-Brgy. Malanday matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa kanyang illegal drug activities.

Nang tanggapin ng suspek ang isang P500 bill na may kasamang tatlong P3,000 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba, dakong 7:20 am kahapon, Huwebes, sa San Andres 1 St., Brgy. Malanday.

Nakuha kay Bembol ang nasa tatlong gramong hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20,400; 45 gramong hinihinalang marijuana na nasa P5,400 ang halaga, buybust money, P150 recovered money at cellphone.

Nauna rito, dakong 11:20 pm nang matimbog naman ng kabilang team ng SDEU si alyas Makmak matapos bentahan ng P8,500 halaga ng shabu ang isang poseur-buyer sa buybust operation sa Punturin Bignay Bypass Road, Brgy. Punturin.

Nakompiska sa suspek ang aabot sa limang gramong hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P34,000, buybust money na isang P500 bill, kasama ang 8-pirasong boodle money at P200 recovered money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …

Lunod, Drown

Lalaki nalunod noong bisperas ng Bagong Taon, Katawan natagpuan makalipas ang 2 araw

MATAPOS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang nalunod …