Monday , December 23 2024
dead gun police

Taxi driver todas sa riding tandem

PATAY ang isang taxi driver matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo sa Malabon City, kahapon ng umaga.

               Dead on the spot ang biktimang kinilalang si alyas Ricky, 44 anyos, taxi driver, sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/SSgt. Allan Bermejo, sakay ang biktima sa kanyang minamanehong taxi habang binabagtas ang kahabaan ng Waling-Waling Road, Brgy. Potrero.

               Pagsapit sa kanto ng Industry Road sa nasabing barangay dakong 10:40 am ay dinikitan ng mga suspek na magkaangkas sa isang itim na motorsiklo at dalawang beses na pinaputukan ang taxi na nagresulta sa kamatayan ng biktima.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksiyon habang agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Malabon police ngunit nabigo silang maaresto ang mga suspect.

               Ayon kay Malabon City Police OIC Col. Jay Baybayan, posibleng may kinalaman sa droga ang nangyaring pamamaslang matapos makuha sa loob ng minamanehong taxi ng biktima ang ilang drug paraphernalia at isang weighing scale na ginagamit na panukat sa pagbebenta ng shabu.

Natuklasan ng pulisya sa isinagawang background investigation sa biktima na nakasuhan na siya noong taong 2017 at 2020 sa San Mateo, Rizal na may kinalaman sa ilegal na droga.

Sinusuri na ng pulisya ang kuha ng mga nakakabit na CCTV camera sa lugar na posibleng makatulong upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspect.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …