Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liz Alindogan FPJ Julius Babao

Liz Alindogan ‘di bumigay kay FPJ—Ayokong makasakit ng nagki-care sa akin

INAMIN ni Liz Alindogan na niligawan siya noon ni dating Fernando Poe Jr. Ang pag-amin ay nangyari sa panayam ng news anchor at broadcast journalist na si Julius Babao na napapanood sa YouTubechannel nito.

Ani Liz,  hindi niya sinagot si FPJ.

Kuwento pa ni Liz, ipinahanap siya ni FPJ para kuning leading lady sa blockbuster movie nitong Ang Panday.

Sabi raw sa kanya ni FPJ noong puntahan siya sa tinitirhang bahay sa Mandaluyong, “’Ikaw ang napili ko na maging leading lady ko sa ‘Panday,’ tapos dala na ‘yung magsusukat ng damit ko.”

Sey pa raw ni Da King, “Bagay sa iyo ‘yung role na iyon. Ikaw ang napili ko.”

Sa tanong kung na-fall ba siya noon kay Da King, “Hindi. Hindi ako na-in love. In a different way ang pagka-in love ko sa kanya.

“Because ako ‘yung tao na kahit bata ‘yung kilos, alam ko na he’s married. Alam ko na mahal niya si Susan Roces, at nirerespeto ko ‘yung aspect na iyon.

“Na kahit bata pa ako, ganoon ang pananaw ko, na hindi ako puwedeng pumunta sa ganoong relationship, kasi mahal ako ni Susan Roces,” aniya pa.

Mismong si FPJ daw ang nagsasabi sa kanya na may malasakit sa kanya si Susan Roces“Nire-recommend niya ako, eh. Ikinukuwento sa akin iyon ni FPJ, na, ‘Ano bang nakita sa iyo ni Manang Inday (palayaw ni Susan) mo, bakit ikaw parati ang isinusulat dito kapag nag-uusap kami about movies? Isama mo riyan si Liz Alindogan.’”

Dagdag pa ni Liz, “Pumasok na sa puso ko iyon, na kahit na puwede siyang mahalin, kahit na matagal niya akong pinupuntahan sa bahay, nililigawan niya ako, talagang gusto niya ako.

“Pero kaya ko talagang ikontrol ang sarili ko na hindi ako puwedeng makasakit ng tao, na lalo na nagki-care sa akin, si Susan Roces, hindi ko kayang ganunin,” aniya pa.

Diniretso rin daw si Liz si FPJ. “Sinabi ko, ‘May asawa ka, si Manang Inday, paano iyon? Ayokong mag-cross doon sa line na iyon. Marami namang artista or magugustahan ako na ano.’

“Tapos niyakap niya ako. Tapos hanggang sa sinabi niya, ‘From now on, you are someone that I used to love,’” pagbabahagi ng aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …