SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
BINATI ni Daniel Padilla ang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo para sa kaarawan nito kahapon.
Ito ang paniwala ng loyal KathNiel fans nang mag-post ang binata sa social media ng isang pagbati na bagamat walang pangalan ng dating karelasyon, mabilis naman iyong hinulaan ng kanilang fans na para sa dalaga ang pagbati ng binata.
Sa post ni Daniel sa kanyang Instagram Story, isang blurred photo na mala-selfie ni Kathryn ang makikita at nakasulat ang “Happy Birthday” sa Japanese.
Mayroon ding sunflower emoji sa lower left ng IG story kaya mas lalong lumakas ang paniwala ng fans na para sa ika-28 kaarawan nga iyon ni Kathryn kahapon, March 26.
Wala pa namang reply si Kathryn sa IG story na iyon ni Daniel habang isinusulat namin ito.
Pero marami na ang kinilig sa aksiyon na iyon ni Daniel na bagamat hiwalay na’y hindi nakalimot batiin ang dating girlfriend.