Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeline Aril

Angeline ng Cheaters tumataas ang kompiyansa kapag nagpapa-sexy

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

“I feel confident when I’m sexy,” ito ang matapang na tinuran ng baguhang si Angeline Aril na bida sa latest offering ng Vivamax, ang Cheaters na mapapanood na simula Abril 2, 2024.

Ang Cheater ang unang pelikula ni Angeline at wala pa itong experience sa pag-arte. Tanging pagsali sa mga pageant, car show, modeling, at photo shoot ang mga ginagawa niya noon bukod sa pag-aaral bilang Mass Communication sa FEU.

Sinabi pa ng dalaga na wala siyang balak mag-artista pero nang dumating ang offer ng Viva sa pamamagitan ng kanyang manager na si Marissa, hindi na niya iyon pinalampas kahit pa-sexy ang role niya na first niyang gagawin.

“Dumatng po ang chance kaya pinush ko na. And very opposite ang role na ginagampanan ko sa Cheaters kaya talagang very challenging sa akin. Kabaligtaran talaga ng ugali ko ang karakter ko rito sa pelikula namin,” anang dalaga.

Aminado rin si Angeline na kabado siya nang sumalang sa shooting ng kanilang pelikula. Mabuti na lamang at mabait ang kanilang direktor na si Dustin Celestino na aniya’y tumulong sa kanya. “Tinulungan po ako ni direk Dustin at sinabihan akong, ‘kaya mo ‘yan kahit bago ka lang.’ Kaya ayun naging okey naman po.” 

At kahit ayaw mag-artista noon, nae-enjoy na niya ang ginagawang trabaho na bagamat aminadong hindi madali ang ginagawa at bago sa kanya’y nagugustuhan na niya ngayon. 

At dahil sa pagpapa-sexy, iginiit nitong, “I feel confident when I’m sexy actually.” Na dati’y kulang sa kanya dahil likas ang pagiging mahiyain.   

bibida rin sa Cheaters bukod kay Angeline sina Aerol Carmelo, Kara Fernandez, at John Mark Marcia.  

Kuwento ito nina April (Angeline Aril) at Juny (Aerol Carmelo) na naging mapusok nang magkita. Tila may elementong nagkakabit sa kanila na sa tuwing magkikita ay hindi makapagpigil. Naulit iyon ng ilang beses kahit nagkaroon na sila ng kanya-kanyang karelasyon. 

Makalipas ang ilang buwan, muli silang nagkatagpo pero talagang hindi makapagtiis na nauwi pa sa panakaw ng mga sandali. At para maitama ang mali, napagkasunduan nilang makipaghiwalay sa kanilang mga karelasyon.

Pero hindi magiging madali ang lahat kahit na maging sina April at Juny dahil masusubok naman ang tiwala at pagiging kuntento nila sa isa’t isa, kagaya ng pagsubok na pinagdaanan ng mga dati nilang nakasama.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …