Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zanjoe Marudo Ria Atayde Wedding

Zanjoe at Ria ikinasal na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGKAGULATAN hindi lang ang madlang pipol, maging ang ilang artista nang bumulaga sa social media ang mga picture at pagbati kina Zanjoe Marudo at Ria Atayde. Pagbati na katunayany ikinasal na ang dalawa.

Kahapon, ikinasal na sina Zanjoe at Ria sa pamamagitan ng intimate wedding ceremony officiated by Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ito ay ayon na rin sa post na mga picture ni Zanjoe sa kanyang socmed. Nakasuot ang Kapamilya actor ng black suit habang naka-white dress naman si Ria na may hawak na bouquet of flowers.

Ipinakita rin ni Z (tawag kay Zanjoe) ang kanilang wedding cake at black and white photo nila nila ni Ria na masayang-masaya nang paulanan ng maraming bulaklak.

Caption ni Zanjoe sa mga picture na ibinahagi niya, “03.23.24…Happy Birthday MY WIFE!” 

Ika-32nd birthday ni Ria noong March 23. 

Bago ito’y kumalat ang kuwelang pictures na ipinost ni Darren sa kanyang Instagram na kasama ang mga kaibigan nina Ria at Z na sina Kathryn Bernardo, Joshua Garcia, Enchong Dee, Jane Oineza, at RK Bagatsing na akala nami’y para sa birthday celebration ng anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde. Ang nakapagtataka lang, lahat ng nasa pictures ay naka-puting formal attire. Ang naisip namin ay baka sa yate nag-celebrate ng birthday si Ria, hindi pala kundi iyon na pala malamang ang naganap na kasalan.

Bukod sa post ni Z sa kanyang IG, wala nang ibang detalye itong ibinigay.

Bumuhos ang mga pagbati sa pagpapakasal nina Z at Ria at ilan sa mga nauna ay sina Maine Mendoza, Rhea Tan Marco Gumabao, at Jopay Paguia.

Binati rin sila ng mga kaibigan nilang sina Jane, gayundin ng kapatid na si Gela.

Isa naman sa tila nagulat sa pagpapakasal ng dalawa ang aktres na si Isabelle Daza na ang pagbati ay,  “OMGGGGGG!”

Nag-congratulate at best wishes din sina Kaye Abad, Kyline Alcantara, ang direktor na si Theodore Boborol at marami pang iba.

Last February 20 lamang ginulantang din nina Z at Ria ang netizens nang mag-post din ang mga ito ukol sa kanilang engagement. At October 2022 naman kinompirma ni Sylvia mula sa isang interbyu nito ang ukol sa relasyon ng dalawa.

Pagkaraan ng engagement, may mga intrigang lumabas na buntis umano si Ria.

Pero kung tama ang pagkakatanda namin bago pa man makompirma ang relasyon nina Z at Ria iniintriga nang nagdadalantao ang aktres. At naulit muli ang tsika pagkaraan ng engagement. Mabilis naman itong pinasinungalingan ng kapatid ni Ria na si Gela.

Totoo man o hindi na buntis na si Ria, hintayin na lang natin. At least kung totoong buntis si Ria isa kami sa matutuwa dahil noo’y nabalitang mayroon itong PCOS na maaaring maging dahilan ng hindi o hirap na pagbubuntis dahil sa hormonal imbalance na dulot nito.

Congratulations and best wishes to Zanjoe and Ria.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …