Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast Talk With Boy Abunda. Isa sa mga tinanong ng King of Talk kay Xian ay kung ano ang natutunan niya sa larangan ng pag-ibig. 

Walang binanggit na pangalan si Tito Boy Abunda, pero obvious namang si Kim Chiu, na ex ni Xian, ang tinutukoy ng award-winning TV host.

Sagot ni Xian, “I think it teaches you pain. Love is very painful, and it’s also a very magical feeling.

“I think that’s what love does to you. But at a certain point, love disappears. It’s also very painful kasi siyempre, magkaiba kayo.

“You are a different person and the other one is a different person. You have to learn to accept each other.

“And I think doon na magiging choice ang pagmamahal and you choose to stay together, and you choose to fight for each other, no matter what it is,” paliwanag pa ni  Xian.

Isa pa sa mga tanong ni Tito Boy kay Xian ay kung ano ang ipinagdarasal nito ngayon, at base sa naging sagot niya, mukhang tinutumbok ang break-up nila ni Kim, ang mga naglalabasang haka-haka ng dahilan ng paghihiwalay nila.

It’s so easy to make up different things because we have this freedom of speech, we have the social media thing.

“There’s so many different things circulating online. So I think that’s also one that I pray for.

“Of course, the people close to me, and the people who don’t know me believe what is really legit, and really not believe the lies spreading across the internet,” aniya pa.

At sa tanong kung ano-ano ang mga ayaw na niyang balikan sa kanyang past, “Hindi ko babalikan ang mga… I have my own shares of controversies, and it’s a learning process and I don’t know what’s happening.

“‘Yung mga ganoon hindi ko babalikan kasI, it’s a very painful time, and it takes a lot of maturity and it takes a lot out of you. So, hindi ko babalikan ‘yun.”

Kung may isang tao namang siyang nais 

 pasalamatan ng husto, ‘yun ay walang iba kundi ang kanyang mommy Mary Anne, na sobrang nagmamahal sa kanya.

“I owe a lot sa mom ko, because remember, she’s a single mom and she always pushes me. Mom, I wanna say thank you dahil you always push me to be better.

“And lagi niya akong pinapaalalahanan na, ‘Xian, you have to really prioritize… know your worth. Stop doing the negative self talk.’

“Kasi she catches me doing that a lot.

“Even when I’m down, even when I don’t get work. Kasi sa field naman natin, after you do more project, hindi mo alam kung mayroon ka pang susunod.

“My mom would always make it light. She would say, ‘Ano anak, kaya pa? ‘Yan ang buhay, anak, na mahirapan ka. Not every day you will wake up and you’re feeling  great. What you have to do is always show up every single day and know what your purpose is,” pagbabahagi pa ni Xian sa payo ng kanyang pinakamamahal na ina.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …