Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue na inilalabas nila, tiyak na laging pasabog.

Sa ikatlong issue ng Aspire na may titulong Aspire Magazine PhilippinesThe Flight Of The Phoenix  sinabi ni Ayen na medyo natagalan ang pagri-release ng ikatlong issue ng magazine na dapat ay last year, tinutukan nila ang international pageant at ambassadress ng cover nila ang pagsali ni Marianne Beatriz Bermundo, 16, sa ilang sinalihang beauty contest. Kaya naman napagwagian nito ang Queen Humanity International 2023 at Miss Teen Culture World International 2023.

Bago nakuha ang mga titulong ito’y itinanghal munang Little Miss Universe 2021 si Marianne.

Tinutukan muna namin ‘yung pagiging ambassadress ni Marianne sa mga company na I am connected with and ‘yung korona,” esplika ni Ayen. “And after this tinitiyak namin na magtutuloy-tuloy na ang edisyon ng magazine namin,” sabi pa.

Sinabi naman ni Marianne na, lahat ng naging journey niya sa beauty contest at iba pang natanggap na tagumpay ay mababasa sa magazine.

At pagkatapos makakuha pa ng dalawang korona hindi pa roon matatapos ang pagsali ni Marianne. ‘Ika niya, “Well I hope

so. Being a beauty queen is really in my blood and is really in my passion since becoming a beauty queen is somewhat my dream because becoming an inspiration is my dream. Being able to continue on doing beauty pageants will be a dream talaga.”

Kasamang iniharap sa paglulunsad kay Marianne at tampok din sa magazine ang isa pang beauty queen, si Khristine Kate Almendras Ornopia na itinanghal na Young Miss Universe SuperGrand Prix 2023.

Ayon kay Khristine, idolo niya si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil sa talino at husay nitong sumagot sa Q&A portion. At tulad ni Pia, dream din ni Khristine na maging Miss Universe kaya naman kahit bata pa ay nagsisimula na siyang mag-training sa tulong ng kanyang mentor na si Ayen.

Natanong naman ang dalawa kung gusto rin ba nilang pasukin ang showbiz at kapwa nila sinabing interesado sila.

I would like to be in showbiz because it is part of my dream also. And I know mas marami pa akong mai-inspire,” ani Khristine na gustong makatrabaho someday si Maja Salvador

Aminado naman si Marianne na childhood dream din niyang maging artista para mas maka-inspire at makapag-entertain pa. At gusto niyang makatrabaho sina Kyle Echarri at Francine Diaz.

Muli pinatunayan ng Aspire magazine na sila ang lider sa world of fashion and lifestyle publications. “The Phoenix edition is sure to captivate readers with its stunning visuals and insightful content,” ani Ayen.

Ang paglulunsad ng Aspire magazine ay muling nagmarka ng bago na naman nilang chapter na nagso-solidify ng kanilang posisyon bilang magazine na dapat basahin ng mga nakaa-appreciate ng luxury at style.

Available na ang Aspire Magazine PhilippinesThe Flight Of The Phoenix na tampok ang mga personalidad na may magagandang kuwento tungo sa kanilang tagumpay gayundin ang mga personalidad na magbibigay inspirasyon sa bawat indibidwal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …