ni Ed de Leon
“BASTA ang alam ko in love ako sa kanya,” sabi ng isang female star nang matanong tungkol sa isang baguhang male star na close sa kanya.
“Basta in love ako sa kanya,” sabi rin ng isang showbiz gay tungkol sa pareho ring male star.
Pareho palang ginawang syota ng poging male star ang ka-love team niyang female star at ang showbiz gay.
“Basta kami pagdating ng araw maaari kaming pakasal ng legal, siya ba puwede eh wala pa namang legal na kasal ang mga bakla sa PIlipinas?” sabi ng female star.
Ang sagot naman ng bakla, ”Hindi baleng hindi kasal basta kasalo naman ako sa kaligayahan,” sagot naman ng bading.
Ganoon?