Sunday , December 22 2024
SPEEd Joy Belmonte QC

SPEEd officers and members nanumpa kay QC Mayor Joy Belmonte

PORMAL nang nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga bagong halal na opisyal at miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) kahapon, Marso 21.

Pinangunahan ito ng bagong Pangulo ng grupo na si Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.

Nagsilbing inducting officer sa oath-taking ceremony ng SPEEd si Quezon City Mayor Joy Belmontena ginanap sa kanyang opisina sa Quezon City Hall. 

Nakasama ni Salve Asis bilang bagong Presidente ang iba pang opisyal ng SPEEd kabilang na si Gerry Olea (Philippine Entertainment Portal), External Vice President. Hindi naman nakarating si Tessa Mauricio-Arriola (The Manila Times), Internal Vice President.

Sumumpa rin sa kanilang tungkulin sina Gie Trillana (Malaya) at Maricris V. Nicasio (Hataw), Secretary; Dondon Sermino (Abante) at Dinah Sabal Ventura (Daily Tribune), Treasurer at Assistant Treasurer; Ervin Santiago (Bandera) at Nickie Wang (Manila Standard), PRO; at Rohn Romulo(People’s Balita), Auditor.

Naroon din ang isa sa mga consultant ng organisasyon ng mga editor, ang former SPEEd president na si Eugene Asis (People’s Journal). Tumatayo ring consultant ng grupo si Ian Farinas (People’s Tonight), wala sa photo. 

Ang iba pang miyembro ng SPEEd ay sina Neil Ramos (Tempo), Robert Requintina (Manila Bulletin), Nathalie Tomada (Philippine Star), Rito Asilo (Philippine Daily Inquirer) at Janiz Navida (Bulgar).

Pinaka-bagong miyembro ng grupo si Jun Lalin (Abante).

Adviser din ng grupo sina Nestor Cuartero (Tempo at Manila Bulletin) at Dindo Balares (dating entertainment editor ng Balita).

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …