Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Repakol Siakol

Repakol tuloy-tuloy ang pagtugtog, US Tour kasado na sa Abril

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IBA talaga ang original. Ito ang pinatunayan nina Noel Palomo at Miniong Cervantes, songwriter/singer at lead guitarist ng Siakol na ngayon ay kilala na sa tawag na Repakol. Naroon pa rin ang galing nila kumanta ng mga awiting may nilalaman at talaga namang sumikat noong 90s.

Repakol ang itinawag nina Noel at Miniong sa kanilang bagong grupo dahil may ilan sa kanilang dating grupo ang umaangkin sa pangalang Siakol. Nasa korte na ang usapin ukol sa pangalan ng kanilang grupo.

Sa ginanap na mediacon ng Repakol sa The New Music Box Powered by the Library na bago nagparinig ang kanilang grupo ng mga musika nilang pinasikat tulad Lakas Tama, Peksman, Gawing Langit ang Mundo, Ituloy Mo Lang ay nagbigay muna ng kanilang mga awitin ang nag-front act sa kanilang Sweetnotes Music Duo na nagmula sa Gensan.

Ani Noel nang hingan ng update ukol sa binabawi nilang karapatan sa pangalan ng kanilang grupo, siya ang nagmamay-ari ng copyright at royalties ng kanilang mga kanta. Sila rin ni Miniong ang Siakol bilang silang dalawa ang original member at nakaisip ng pangalang ito.

“Legally sina Noel at Miniong ang Siakol and based on my conversation with other band member, si Raz they tried to register the name Siakol or the trademark kaya sina Noel at Miniong, they tried to appeal. Kaya the court will decide on the appeal,” paliwanag ng abogado ng grupo.

Kasamang tumugtog ng hapong iyon nina Noel at Miniong ang mga bagong kagrupo nilang sina Alvin Palomo (guitar), Wilbert Jimenez  (guitar), Raz Itum (bass guitar), at Zach Alcasid (drums).

Sa kabilang banda, iginiit ng grupo ng hindi sila nawala. Simula noong 90’s tuloy-tuloy silang tumutugtog. Madalas din ang kanilang gig out of town o sa ibang bansa. Tulad ngayong Abril, mayroon silang US Tour na ang EDREN Entertainment ang magdadala sa kanila.  

Ang US tour na may titulong Repakol Band US Tour ay magsisimula sa Abril 20 (Rams Head Live) na masusundan sa Abril 26 (58 Manor); Abril 28 (Port ‘N Starboard Ocean Front Banquet Center); Mayo 11 (UR Coliseum); Mayo 18 (Buko Resto-Bar); Mayo 24 sa (Patio Theater), at Hunyo 15 (Fox Theatre).

Kaya sa mga nakaka-miss sa tugtog at musika ng Repakol (Siakol) watch na kayo ng kanilang concert.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …