HATAWAN
ni Ed de Leon
INAMIN ni Heart Evangelista na talagang sumama ang kanyang loob nang hindi magbunga ang pagbubuntis niya noon. Hindi naman siya buntis talaga pero inamin niyang nahirapan siyang makakuha ng kanyang egg cell for fertilization, at siya pa mismo ang namili niyon. Inaasahan niya ang isang anak na babae na tatawagin sana nilang Sofia Heart. Pero hindi nga iyon nabuo.
Pero pinagluwag naman ng kanyang asawang si Sen Chiz Escudero ang kalooban ni Heart at sinabing kung hindi man natuloy iyon, baka may mas magandang plano ang Diyos para sa kanila.
Sa ngayon, abala pa rin si Heart sa kanyang career bilang isang aktres at bilang modelo hindi lang dito sa ating bansa kundi maging sa abroad at suportado naman siya ni Senator Chiz sa anumang gusto niyang gawin.