Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeric Gonzales Rabiya Mateo

Rabiya handang ipaglaban si Jeric, deadma sa mga negang balita

MA at PA
ni Rommel Placente

KUNG ang ibang showbiz couples ay inaalam ang password ng cell phone ng bawat isa, para malaman/mabisto kung ano ang ginagawang kalokohan, never ginawa ito nina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo kahit pa matagal-tagal na rin silang magkarelasyon.

‘Yun ang sinabi ni Rabiya sa guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda.

May tiwala naman daw kasi sila sa bawat isa kaya hindi issue sa kanila kung bawal makialam sa kanilang mga gamit na cellphone.

“Dati I have access, we both have access sa phones namin. Ngayon wala na, kasi we trust each other na,” pag-amin ni Rabiya kay kuya Boy.

Sabi pa ni Rabiya, kahit masasabing nagsisimula pa lamang ang love story nila ni Jeric, nakapag-build na sila kahit paano ng foundation sa kanilang relationship.

Natanong naman ni kuya Boy si Rabiya kung ano ang kanyang kondisyon para tapusin o tuldukan na ang isang relasyon.

“Siguro kapag hindi na ako mahal. Sa actions, Tito Boy.

“Kapag wala na ‘yung respeto and at the same time, ‘pag mas okay na ‘yung hindi kayo nag-uusap kaysa pinag-uusapan niyo,” dugtong ng dalaga.

Pero handa siyang ipaglaban ang lalaki kung mayroon pa siyang nararamdamang pagmamahal kahit kaunti.

“Pero kung wala na, kahit mahal ko pa siya, let go na,” esplika pa ni Rabiya.

Nauna rito, inamin din ng dalaga na totoong naaapektuhan siya noon sa mga sinasabi ng mga tao laban kay Jeric dahil hindi niya alam kung ano talaga ang kanyang paniniwalaan.

“First time kong mag-date ng celebrity and minsan kapag celebrity din ‘yung idine-date mo ang daming opinyon, ang daming sinasabi about him and at first, I was shaken about it.

“Parang hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ‘yung sinasabi ni Jeric o ‘yung sinasabi ng mga tao about him kasi ibang-iba, eh,” aniya pa.

Ngunit sa kabila ng lahat ng kanegahang ibinabato sa aktor, mas pinili pa rin niyang maniwala at pagkatiwalaan si Jeric. Ibig sabihin, mas nanaig talaga ang pagmamahal niya sa boyfriend.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …