Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron aligaga nang kunan intimate scene kay Cristine 

I-FLEX
ni Jun Nardo

LABIS na nagpapasalamat si Baron Geisler nang kausapin ni Cristine Reyes ang kanyang asawa sa isang shooting ng Viva movie na Dearly Beloved.

Nawala ‘yung intimidation ko kay Cristine at naging komportable na kami sa shooting, Reunion movie namin ito.

“Ang galing niyang artista. Napanood ko ‘yung past movies niya noong pandemic kaya naman nang sabihin sa akin ni Boss Vic (del Rosario) ang movie at si Cristine ang partner ko, talaga namang pumayag agad ako,” pahayag ni Baron sa mediacon ng movie.

“Eh dahil sa intimidation ko kay Cristine, bago kunan ang intimate scene namin sa movie, nag-toothbrush na ako, nag-mouth wash pa. Ayokong may masabi siya sa akin,” sey ni Baron.

Sabi naman ni Cristine bago kunan ang intimate scenes nila ni Baron, napansin niya ang pagiging aligaga at hindi mapakali ng aktor sa gagawing eksena.

“Sabi ko sa kanya, ‘Baron kumalma ka!’ para mawala ‘yung nerbiyos. Nakakatawa siya,” saad ni Cristine.

Ukol sa blended families ang movie at second chances leading to forever.

Ngayong March 30 mapapanood sa sinehan ang kanilang pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …