Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Tiktok

Marian Rivera Endorser Queen

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

HINDI lang Box Office Queen matatawag si Marian Rivera. Maikokonsidera na siyang Advertiser Queen or Endorser Queen. 

Nitong nagdaang taon ay katakot-takot ang iba’t ibang negosyo na kumuha kay Marian para iendoso ang mga produkto nila. 

Naniniwala sila na malaki ang maitutulong ni Marian sa kanilang produkto kahit maghintay sila ng matagal sa desisyon nito. 

Ang maganda kay Marian ay pinag-aaralan nito ang produkto na iniaalok sa kanya para i-promote. Gusto kasi niyang karapat-dapat ang ieendoso para hindi siya masira. Kaya buo ang tiwala ng IAM Worldwide na halos lahat na yata ng produkto nila ay si Marian ang endorser. 

Ang latest ay ang Barley na malaki ang nagagawa sa kalusugan ng tao. ‘Yan din ang isa sa ipinaiinom sa akin noong dinapuan ako ng Cancer.

Bukod sa mga endorsement ay balik trabaho na si Marian. Abala siya sa upcoming teleserye. Mayroon din siyang upcoming movie pero ayaw niyang magbigay ng detalye muna. Siya lang ito at hindi kasama si Dingdong Dantes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …