Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jenn Rosa Marian Rivera

Jenn Rosa kinikilig kapag nasasabihang kamukha ni Marian

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Jenn Rosa, isa sa bida ng latest Vivamax Original Movie na T.L. (Team Leader) kasama ang mga palabang sexy actor na sina Nico Locco at Armani Hector na hindi ito ang first time na may nagsabing kahawig siya ni Marian Rivera.

Sa totoo lang, malaki talaga ang pagkakahawig ng bagong Vivamax Sex Siren na si Jenn kay Marian lalo na kapag ngumingiti at nagsasalita.

Kilig na kilig naman si Jen kapag sinasabing kamukha siya ng Primetime Queen ng GMA dahil aminado siyang idolo niya ito at talang pinanonood niya.

May nasabi namang siya ang wild version ni Marian dahil na rin sa mga ginagawa niyang sexy films sa Vivamax.

Idol na idol ko po talaga si Miss Marian. Pinanonood ko ‘yung mga series and movies niya. Hindi ko pa siya nakikita in person pero sana one day, makilala ko siya,” masayang chika ni Jenn.

Sinabi pa ng dalaga na pangarap din niyang makatagpo ng tulad ni Dingdong Dantes para maging dyowa.

Ang T.L. ay mula sa direksiyon ni Jay Castillo, anak ng dating aktor na si Jordan Castillo.

Ani Jenn, wala siyang masyadong limitations pagdating sa paghuhubad, basta kailangan sa istorya at mas mapagaganda pa ang pelikula, go lang sa kanya.

This is my first lead role that’s why I’m so thankful and grateful. I simply changed a few English dialogue. I feel that I can express the lines better in Tagalog.

“I always asked Direk Jay how was my acting. First lead role ko ito. Wala naman ako masyadong binago. Hindi naman ako nahirapan. It helped that Direk Jay made us undergo a workshop before we started shooting. Ang laking bagay ng guidance ni Direk,” anang dalaga.

Mapapanood na ang T.L. sa March 30, sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …