Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robin Padilla

Robin sa mga tumutuligsa sa kanya—kulang ang mga abogado pero maraming nagpapaka-attorney

MA at PA
ni Rommel Placente

ILANG araw nang trending topic ang pangalan ni Sen.Robin Padilla dahil sa umano’y pagtatanggol niya sa kontrobersiyal na leader ng Davao-based religious group na Kingdom of Jesus Christ na si Apollo Quiboloy na ayon sa aktor ay tutol siya na i-contempt dahil sa mga kasong kinakaharap nito.

Dahil dito, marami ang  bumabatikos sa kanya.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nag-post ang asawa ni Mariel Rodriguez laban sa mga taong tumutuligsa sa kanya. Aniya, kulang na kulang ang mga abogado sa Pilipinas, pero maraming nagpapaka- “attorney” sa social media.

Sabi ng datos kulang ang mga abogado at huwes sa mga korte ng Pilipinas.

“Mabuti pa pala sa social media daming attorney out law at Beauty pageant judges,” patutsada ng senador. 

Ang presumption of innocence ay isang legal na prinsipyo na ang bawat taong inakusahan ng anumang krimen ay itinuturing na inosente hanggang sa napatunayang nagkasala.”

Nauna rito, ipinaliwanag ni Sen. Robin kung bakit siya tutol sa ruling ni Hontiveros, “Dito sa nakikita ko, kapag nagpatuloy sa ganitong proseso parang sinasaklawan na natin, magkakaroon ba tayo ng panukala na sasagasaan natin ang religion? Papunta na ito. Wala na kay pastor, napupunta na roon sa buong organization. Sa buong religion nila.”

Walang binanggit na mga pangalan si Sen. Robin sa kanyang post pero naniniwala ang mga netizen na para ito sa mga kumokontra sa pagtutol niya sa ruling ni Sen  Risa Hontiveros na i-contempt si Quiboloy.

Pinaaaresto na rin ng senadora ang pastor matapos nitong muling hindi dumalo sa pagdinig ng Senado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …