Sunday , December 22 2024
Gary Valenciano

Gary V huling performance na ba ang Pure Energy: One Last Time?

MARAMI ang na-excite nang ianunsiyo ng legendary Filipino-Puerto Rican performer at inspirational icon, Gary Valenciano ang mga upcoming project na pinamagatang Pure Energy: One Last Timenoong Disyembre 21, 2023 sa pamamagitan ng isang simpleng post. 

Kasabay nito, marami ang na-excite sa kanyang announcement sa social media at marami rin ang nagbalik-tanaw sa kanyang mga tagahangga at sa mga industry insider. Nagpasilip si Gary sa isang significant shift sa apat na dekada niyang karera. At 

mangyayari ang concert project sa SM Mall Of Asia Arena (MOA) sa Abril 26 at 27.

Sa nakalipas na apat na dekada, katumbas ng pangalan ni Gary ang mga chart-topping hits, high-energy performances, at ang kanyang walang katulad na kakayahang kumonekta sa mga manonood ‘di lamang sa  Pilipinas ngunit sa buong mundo na rin. Nabiyayaan si Gary na magtanghal sa pinakamalalaking entablado sa mundo, mula sa Luneta Grandstand na humigit 500,000 ang nanood hanggang sa Tamar Site sa Hong Kong na nag-perform siya sa Hong Kong Harbor Music Festival noong 2003.

Taong 2023, minarkahan ni Gary ang kanyang 100th solo show sa Music Museum sa kanyang matagumpay na sold-out at 10-night concert series na Gary V: Back At The Museum. Mula sa initial run nito na apat na shows noong Agosto 2023, dalawang beses itong na-extend, at ipinakita nito ang enduring appeal at impact ng kanyang musika at performances. Nakakuha rin siya kamakailan ng multiple standing ovations sa jam-packed North American tour.

Marami ang nag-isip na magreretiro na si Gary sa titulo ng kanyang upcoming MOA Arena na Pure Energy: One Last Time. Ngunit nilinaw ni Gary na hihinto siya sa pagbibida sa mga solo show sa mga higanteng venue gaya ng mga arena at dome, pero hindi mawawala ang pagmamahal niya sa musika at pagtatangghal. Katunayan, magpe-perform pa rin naman siya sa mga malalaking venues kapag may kasama siyang ibang mga artist.

Hindi naman mag-i-slow down si Gary. Kakapanalo lang niya ng GEM Awards bilang Best TV Host para sa kanyang 

Kontribusyon bilang isa sa mga major music pillars ng ABS-CBN. Nananatili siyang aktibo sa ASAP Natin ‘To tuwing Linggo ng tanghali sa ABS-CBN. Bilang isang mentor, naging judge at coach ang 12-time Awit Awards Best Male Recording Artist recipient sa The X-Factor Philippines, Your Face Sounds Familiar, It’s Showtime’s Tawag Ng 

Tanghalan, at Idol Philippines na isa siya sa judges ngayong 2024.

Kaya naman marami ang nagtatanong kung bakit siya mag-step back? Simple lamang ang naging sagot ni Gary, “Hindi goodbye ang ‘Pure Energy: One Last Time.’ Ito ay transition.”

Sa kabila ng resistance mula sa kanyang team, siya ay nagdesisyon. 

Mamarkahan ng concert series na ito ang huling beses na magtatangghal siya ng concert na ganito kalaki, at ito ay 

maganda. Gusto niyang ibalik ang biyaya sa mga mas maliliit na venues at sa mga fundraiser.

Sa recent heartfelt post sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Gary na: “I’m celebrating 40 years of doing 

what I’ve always loved most. And with gratitude in my heart for the One source of Pure Energy, I look forward to the 

new chapters, seasons, beginnings, and horizons that lie ahead. It’s time…Let’s Go Big…ONE LAST TIME!!!”

Marami ang umiyak. Marami ang nag-protesta. May mga news channel na nagsabing ito na ang kanyang farewell 

show. Inulan ng mga tanong ang social media sites ni Gary. Kaya nilinaw niya na maghahanap siya ng ibang paraan para kumonekta sa kanyang fans. Natapos din niyang pagdaanan ang ilang mga medical challenge  gaya ng kanyang 45 taon na laban sa Type 1 diabetes, isang heart bypass surgery, kidney cancer, dengue fever, COVID-19, at ang katatapos lamanng na angioplasty na nilagyan siya ng dalawang stents sa kanyang heart 

artery noong Pebrero 3. Naisip niya na baka kailangan niya ng mga less stressful activities. Ngunit sinabi ng kanyang cardiologist na si Dr. Enrique Posas na pwede pa ring humataw si Gary habang sinabi niya na “You have a brand new heart.” 

Isang linggo matapos ang kanyang operasyon sa puso, sumasayaw at nagtatatalon si Gary kasama ang 2,500 fans sa Southridge, Alabang!

Maaaring abangan ng fans na manonood ng Pure Energy: One Last Time ang isang meticulously crafted show na ihahain ang biggest hits ni Gary na talaga namang fan favorites. With stage direction by Paolo Valenciano and musical direction by Mon Faustino, ipakikita ng concert ang multi-faceted talents ni Gary. Mapupunta ang proceeds ng concert sa Valenciano family advocacy, ang Shining Light Foundation.

In high demand ang tickets para sa Pure Energy: One Last Time, at para mas maging available ang tickets para sa fans, inayos ng SM MOA Arena team seat plan ang venue para mas marami ang makabili. Sold out na sa SM Tickets ang lahat ng premium seats noing unang weekend na ini-release ang tickets online. Nagtutulungan ang 

Manila Genesis team, ang production and management group ni Gary sa nakalipas na 38 ton, at ang ticketing team ng SM MOA Arena, at nakikiusap sila sa fans sapagkat i-aadjust ang stage design at video walls para mas marami ang makapanood.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …