Wednesday , December 18 2024

Apat na tulak huli sa buybust

APAT na hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang naaresto at nakuhaan ng P79,000 halaga ng droga matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

Ayon kay Navotas City police chief P/Col. Mario Cortes, dakong 10:34 pm nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa buybust operation sa A. Dela Cruz St., Brgy. San Roque, ang dalawang durugista na sina alyas Bong at alyas Nonoy.

Nakompiska sa mga suspek ang nasa 5.24 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P35,632 at buybust money.

Dakong 11:30 pm nang matimbog ng kabilang team ng SDEU sa buybust operation sa Langaray St., Brgy. NBBS Dagat-Dagatan, sina alyas Jimboy, 30 anyos, at alyas Ayie, 37, matapos bentahan ng P500 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha sa kanila ang hindi kukulangin sa 6.5 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P44,200 at buybust money.

Ayon kay P/SSgt. Flosine-Mar Nebre, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …