I-FLEX
ni Jun Nardo
INULAN ng papuri at paghanga si Sarah Geronimo nang bigyang papuri ang mother niyang si Mommy Divine sa parangal na iginawad sa kanya ng Billboard Women in Music Awards sa Los Angeles, California.
Matapos ang Global Force Award ni Sarah, ngiting-tagumpay ang team ng aktres dahil buong araw silang nakatikim ng blow out nito sa Universal Studios, huh! Ibinalita ang kasiyahan ni Mattteo Guidicelli sa love broadcast niya sa Unang Hirit.
Balita ni Matteo, “Ngayong araw na ito, sampu ‘yung team ni Sarah, sa lahat ng hard work nila, trineat namin sila sa Universal para mag-enjoy sila today!”
Isa nga sa pinagkaabalahan ni Sarah matapos tanggapin ang parangal ay kausapin ang music producers bago bumalik sa bansa.
Siyempre pa, proud hubby si Matteo sa achievements ng kanyang asawa, huh! Si Sarah ang unang Pinay na pinarangalan sa Billboard Women in Music Awards.
Gawa ni Michael Cinco ang corset dress ni Sarah at wolf cut pala ang tawag sa hair niya.