Sunday , January 19 2025
Navotas Pumping Station

Panlaban sa baha
DAGDAG NA PUMPING STATIONS SA NAVOTAS PINASINAYAAN

MAYROON nang72 pumping stations sa Navotas, kasunod ng pagpapasinaya sa tatlo pa na matatagpuan sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque, Daanghari St., Brgy. Daanghari, at Maliputo St., Brgy. NBBS Dagat-Dagatan.

Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang blessing at inauguration ceremony sa tatlong pumping stations.

“Noon, kapag nababanggit ang Navotas, bukod sa isda ay baha ang naiisip ng mga tao. Malaking perhuwisyo ang dulot nito dahil apektado hindi lang ang pang-araw-araw nating pamumuhay kundi pati ang ating kabuhayan at kalusugan. Kaya naman sinimulan ni Cong. Toby at itinuloy-tuloy natin ang pagtatayo ng mga pumping stations para maiwasan ang pagbaha,” ani Mayor Tiangco.

“Pakiusap lang po na alagaan nating mabuti ang ating mga pumping station. Isipin natin na pag-aari natin ito. Kung ganyan tayo mag-isip, siguradong sisikapin nating lagi itong maayos at gumagana,” dagdag niya.

Samantala, pinaalalahanan ni Cong. Tiangco ang mga Navoteños na maging responsable sa pagtatapon ng basura.

“Malaki po ang ambag ninyo para maiwasan natin ang pagbaha sa ating lungsod. Maayos na makahihigop ng tubig ang bombastik kung walang basurang nakabara rito. Kaya maging responsable po tayo sa pagtatapon ng basura,” paalala ni Cong. Tiangco.

Dumalo rin sa inagurasyon sina Vice Mayor Tito Sanchez, mga konsehal ng lungsod, barangay chairpersons, mga department heads, at mga kawani at opisyal mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH). (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

011625 Hataw Frontpage

Sa Sta. Mesa, Maynila
EDAD 5, 11, AT 16 ANYOS MAGKAKAPATID NA BABAE PATAY SA NATUPOK NA BAHAY

HATAW News Team HINDI nakaligtas sa kamatayanang tatlong magkakapatid na babae, edad 5, 11, at …

011625 Hataw Frontpage

PBBM nilagdaan PH Natural Gas Industry Dev’t Act

GANAP nang batas ang Republic Act No. 12120 matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, …

Sa Tawi-Tawi 121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

Sa Tawi-Tawi
121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

NASAGIP ng Philippine Navy ang 121 pasahero ng isang istranded na barkong naiulat na nawawala …

Daniel Fernando Bulacan Marcelo H Del Pilar National High School

Kaligtasan ng mga pasilidad sa mga paaralan tiniyak ni Fernando

“MAKAAASA po kayong patuloy ninyong magiging katuwang ang inyong lingkod sa pagbibigay ng ligtas at …

QCPD Quezon City

QCPD sinamahan sa pinagtapunan ng  bangkay
Suspek sa kidnap-slay sa QC trader, umamin sa pagpaslang sa 2022 missing person

ISA pang kaso ng pagpaslang ang nalutas ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagkakalutas …