Thursday , April 3 2025
arrest prison

No. 5 most wanted person, arestado sa Caloocan City

HINDI na nakalusot sa kamay ng batas ang isang mister na wanted sa kaso ng panggagahasa at pangmomolestiya nang malambat ng mga awtoridad sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang Llano Police Sub-Station 7 hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas Bong, kabilang sa limang most wanted persons (MWPs) ng Caloocan police.

Katuwang ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Intelligence Section ng Caloocan police, agad nagsagawa ang SS7 ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusdo dakong 2:00 am sa kanyang tinutuluyang bahay sa Barangay Bagbaguin.

Ani Col. Lacuesta, dinakip ng kanyang mga tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Barbara Aleli Hernandez Briones ng Family Court, Branch 1, Caloocan City para sa kasong Rape at (Acts of Lasciviousness) in relation to Sec. 5 (B) of RA 7610.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (ROMMEL SALES)               

About Rommel Sales

Check Also

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …