Saturday , November 16 2024
Jay Castillo Jenn Rosa Nico Locco

Anak ni Jordan na si Jay Castillo mas piniling magdirehe kaysa umarte

PASADONG-PASADONG artista si direk Jay Castillo ng pelikulang T.L. dahil may tindig, gwapo, at anak ng dating artista ring si Jordan Castillo. Pero mas pinili niyang magdirehe dahil aniya hindi niya kaya ang kalakaran o galawan ng pagiging artista.

Nasubukan naman nang umarte ni Jay bago siya nakapag-direhe hindi nga lang niya talaga nagustuhan ang umarte. Mas nag-swak siya sa likod ng kamera.

Nakausap namin si direk Jay noong Biyernes sa presscon ng T.L. na mapapanood na sa March 30 sa Vivamax na pinagbibidahan nina Jenn Rosa, Irish Tan, Nico Locco, at Armani Hector.

Ani direk Jayfirst time niyang magdirehe sa Vivamax dahil mga narrative digital ads ang karaniwan niyang ginagawa noon.

Luckily naman sa capture clients ko, may prod house kasi ako, the way we do things hindi siya nalalayo when it comes to shooting films and series,” katwiran ni direk Jay nang tanungin namin kung nahirapan ba siya sa pag-iba ng linya sa pagdidirehe.

And ‘yung approach na gusto ko agree naman ang captured clients ko and I always like to approach in a way na narrative talaga siya film or series ‘yung atake namin,” sabi pa ni direk Jay.

Ukol naman sa mas gusto niyang magdirehe kaysa mag-artista, “to be honest po ang journey ko naman before, I started as a Viva artist din so, I’ve worked din po sa Viva as an actor, and series din sa Sari-Sari. Then umabot ako sa point na sinabi ko sa sarili ko, ‘parang hindi ko kaya ang laro ng pagiging artista. I mean may diskarte na hindi ko masabayan. Sabi ko hahanap ako ng work na malapit doon.

Nag-start ako sa production. I started as a script continuity then my way ako as assistant director then eventually admin directing na rin on my own.

“Then ‘yun mas na-inlove ako kasi nata-tap ko pa rin ang first love ko which is acting and at the same time mas bigger picture na ‘yung nilalaro ko hindi na lang ‘yung character ko as an artist. 

“So ‘yun mas na-inlove ako sa work ko ngayon,” mahabang paliwanag ni direk Jay.

Isang mapusok na pelikula ang T.L. na ipakikita rin kung paanong nakakapahamak at nakasasama ang sobrang pag-aambisyon.

Kuwento ito ni Brenda (Jenn Rosa), isang mahusay na call center agent, na kahit na anong hirap at pagpupursige sa trabaho ay hindi pa rin makuha ang inaasam na promotion. Ang hindi niya alam, ang mga kasamahan niya pala sa trabaho ay pumapayag na magkaroon ng mga sexual favor sa kanilang TLs (team leaders) para magkaroon ng promotion.

Kahit na desmayado sa mga nangyayari sa trabaho, masaya pa rin si Brenda dahil kasama niya sa iisang kompanya ang boyfriend na si Phil (Armani Hector). Nagagawan din nila ng paraan na magkaroon pa rin ng sex life kahit na nasa opisina. Pero ang mga patakas at patagong pagkikita ay matitigil nang baguhin ang oras ng trabaho ni Phil.

Dahil hindi na nakakasama si Phil, mas mabibigyan ng pagkakataon si Brenda na umangat at tumaas ang posisyon sa trabaho dahil makikilala niya si TL Carl (Nico Locco), ang lalaking naatasang i-approve ang kanyang promotion. Hindi tulad ng ibang supervisor na inaakusahang inaabuso ang posisyon, may reputasyon si Carl na malinis at marangal magtrabaho, pamilyadong tao rin ito na walang kahit na anong intriga o scandal na itinatago. Dahil dito, naniniwala si Brenda na sa wakas ay magbubunga na rin ang mga pagtitiis at pagod niya sa trabaho.  

Pero may matutuklasang malaking sikreto si Brenda tungkol kay Carl na tiyak ikabibigla ng lahat. Abangan at panoorin ang T.L. ngayong March 30, 2024.

Mmapapanood din sa Vivamax ang Kalikot na nagtatampok kina Shiela Snow, Arah Alonzo, at Van Allen Ong sa kanilang mga mapanuksong tagpo na streaming na ngayong March 12, 2024.

Mula ito sa direksIyon ni Temi Cruz Abad, na ang kuwento ay ukol sa isang part-time auto mechanic na hindi lang sa pag-aayos ng mga sasakyan nahuhumaling, kundi pati na rin sa isang dalagang nakatira sa tapat ng auto shop.

Gaganap si Van Allen Ong bilang si Arnold, isang Mechanical Engineering student na nagpapart-time sa auto shop ng tiyuhin habang semester break. Habang nasa trabaho, makikita niya at agad na mahuhulog sa ganda ni Salve, aka Sal (Shiela Snow), ang bagong lipat na dalaga sa apartment building na nasa tapat ng shop. Magkakagusto ng sobra si Arnold kay Salve na kahit na sa mga sexual encounters nito kasama ang no-strings-attached partner at classmate na si Jenna (Arah Alonzo), si Salve pa rin ang naiisip niya.  

Aayon ang pagkakataon kay Arnold nang magpaayos ng sasakyan si Salve sa kanilang shop at siya ang nag-asikaso. Dahil dito, mas titindi pa lalo ang nararamdaman ng binata para kay Salve, at hindi ito maiiwasang mapansin ni Salve. Magkakaroon sila ng sikretong relasyon na magkakaroon ng problema nang malaman ni Arnold na si Salve ang bago nilang professor sa college

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …