PATAY ang isang hinihinalang ‘tulak’ nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Cris Paul Palcotelo Gapa, 34, residente sa Brgy. Baesa, may mga tama ng bala ng baril sa ulo.
Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Christian Loyola ng QCPD-CIDU, na nangyari ang krimen dakong 9:00 pm sa harap ng gate ng Asamba Compound sa Sitio Mendez St., Brgy. Baesa, Quezon City.
Ayon sa saksi, nakarinig siya ng magkakasunod na putok ng baril hanggang makita niyang duguang nakabulagta ang biktima.
Nakasamsam sa crime scene ang SOCO Team sa pangunguna ni P/Cpt. Michael Jabel ng dalawang basyo ng bala ng baril at isang plastic sachet ng shabu.
Sinisiyasat ng pulisya ang mga CCTV sa lugar upang matukoy ang mga suspek. (ALMAR DANGUILAN)