Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz Bench Body

Sunshine natupad pagiging endorser ng local clothing brand

MA at PA
ni Rommel Placente

IBINAHAGI ni Sunshine Cruz sa kanyang mga follower sa social media accounts (IG and FB) na siya ang pinakabagong ambassador ng isang local clothing line. Na aniya, isa sa mga pangarap niya at nasa bucket lists ang maging endorser ng clothing brand. At natutuwa siya na natupad ang pangarap niyang iyon.

Post ni Sunshine, “I am incredibly excited to share the news that I have become the latest ambassador for Bench/Body. This opportunity means a lot to me and I am truly grateful for it. It’s like checking off one of my dreams from my bucket list.”

Ayon pa sa flawless at mahusay na aktres, pinaghandaan niya talaga ang maging endorser ng naturang clothing line. At pinasalamatan niya ang lahat ng tumulong/sumuporta sa kanya para maging sexy.

“Three weeks of preparation may have been challenging, but it was definitely worth it in the end! I couldn’t have done it without the support of Coach Caloy Baduria, Elorde Gym, Cucuy Elorde, and my ALV Talent Circuit. family especially to my beloved manager Arnold L. Vegafria, my handlers Ms. Tinggay Guidotti Ventosa, Ms. Rose Angela Bautista, and my favorite stylist Francis Chee. Ms. Rose and Francis thank you because you guys never left my side, ensuring that I felt confidence.”

Grabe si Sunshine, ang sexy-sexy niya na talaga ngayon. Talagang kinarir niya ang pagpapa-sexy. Nagdyi-gym siya at nagbo-boxing para ma-attain ang gusto niyang size ng bewang.

Sa edad 46, bukod sa pagiging sexy ay napanatili ni Shine ang angking kagandahan huh! Hindi mo iisipin na may tatlo na siyang mga anak na sina Angelina Isabelle, Angel Francheska, at Samantha Angeline, na kapag kasama niya ang mga ito, ay hindi tuloy  masabi na nanay siya ng tatlo, kundi parang ate lang.

Sa histsura ni Shine na hindi tumatanda, tiyak marami ang nagpaparamdam sa kanya at gusto siyang ligawan. Pero sorry na lang sa mga ito dahil hindi priority ngayon ni Shine ang kanyang lovelife. Sabi nga niya sa isang interview noon, “Kung may dumating, okey Kung wala, okey na okey lang. Nandiyan naman ‘yung mga anak ko. Nandiyan ‘yung mga aso ko. Para sa akin, kung ano ‘yung plans ni God sa akin, follow na lang tayo.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …