Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Seo In Guk Francine Diaz

Seo In Guk at Francine Diaz My Love  collab mapakikinggan na

CUTE at bagay kay Francine Diaz ang kantang Pag-Ibig kaya hindi nakapagtataka na nagustuhan at napansin siya rito ng drama sensation at multi-talented artist na si Seo In Guk. Na dahil sa kantang ito’y nagustuhang makipag-collab sa kanya.

Sa isang casual dinner meeting ng Korean star at manager ni Francine na si John Ling, inihayag ng una na gusto niyang maka-collab ang dalaga. Tila nabighani ang Korean actor kay Francine.

Ani Seo In Guk sa interbyu sa kanya ng Metro.Style“The song’s content is about love, so I worked on it, thinking, ‘Wouldn’t it be fun to make it like a conversation that talks about love and goes back and forth about love?’ and that process was just so much fun… I’m very thankful that I got to do that with Francine.”

Magsasama sa single na My Love, sina Seo In Guk at Francine na ini-release nitong March 2, 2024 sa ilalim ng Universal Records. Ang track ay nakatitiiyak na may magical blend ni Seo In-Guk’s seasoned artistry at sa umuusbong na talent ni Francine Diaz kaya nakabuo sila ng melody na tatama sa mga puso. 

Bukod sa pagre-record ng My Love single, gumawa rin sila ng music video (MV) nito. 

Ani Francine, masaya ang naging shoot ng kanilang music video. 

“Maaga kami natapos kasi, fun fact sa MV namin. One shot, one take lang ng MV. Magaling siya. Nakatutuwa although nakaka-pressure kasi ibang feeling maka-trabaho si Seo In-Guk, but masaya po kami,” anang dalaga.

Kaya sa fans nina Seo In Guk at Francine maghanda na sa kanilang pagsasama sa isang awitin na tiyak na kagigiliwan.

 Bukod sa collaboration kay Francine, isa na namang milestone ang na-achieved ni Seo In Guk sa kanyang latest K-drama series, ang Death’s Game, na pinagbibidahan niya at talagang tinatangkilik.

Ang My Love na may temang love at romance ay hindi lamang basta isang musical collaboration subalit isang  testament ng isang unexpected beauty na nabuo sa dalawang magagaling na artista.  

Napakikinggan na ito sa inyong mga paboritong digital streaming platforms.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …