SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
BINIGYANG-PUGAY ng Cannes Film Festival ang yumaong premyadong aktres, Jaclyn Jose. Si Jaclyn ang kauna-unahang Filipino at Southeast Asian na nakapag-uwi ng Best Actress award sa Cannes Film Festival noong 2016.
Nakarating ang balita ukol sa nangyari kay Jaclyn sa pamunuan ng international film festival at nag-post sila ng mensahe sa kanilang official Facebook page kahapon para bigyang-pugay ang akres sa naging kontribusyon nito sa movie industry.
“Upon learning of the passing of Filipino actress Jaclyn Jose, the Cannes Festival remembers her beaming with emotion as she received the 2016 Acting Award for Ma’Rosa by Brillante Mendoza.
“Like many of her other roles, she illuminated this very beautiful portrait of a woman, embodied her with grace and humanity.”
Nagwagi si Jaclyn sa Cannes Film Festival 2016 para sa kanyang natatanging pagganap sa pelikulang Ma’ Rosa na idinirehe ni Brillante Mendoza. Natalo niya rito ang mga Oscar winner na sina Charlize Theron (para sa The Last Face) at Marion Cotillard (para sa Mal de Pierres).