Sunday , December 22 2024
Coco Martin Jaclyn Jose

Coco may mga nakitang premonisyon bago pumanaw si Jaclyn 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DINAMDAM nang husto ni Coco Martin ang pagkawala ng itinuturing niyang nanay-nanayan sa showbiz, si Jaclyn Jose. Isa si Coco sa unang artista na kaagad nagtungo sa bahay ni Jaclyn sa Quezon City. 

Ayon sa kuwento ni Coco, tinawagan siya ng kapatid ni Jaclyn na si Veronica Jones para ipaalam ang nangyari sa aktres. Kaya naman kaagad itong nagtungo.

Sinabi pa ni Coco na may mga premonition o paramdam si Jaclyn bago ito sumakabilang-buhay noong Sabado ng umaga, March 2.

Nagbahagi si Coco ng kanyang mensahe para sa mga nasa burol ni Jaclyn noong isang gabi sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta, Quezon City at doon niya naikuwento ang mga pangitain/premonition sa pagkamatay ni Jaclyn.

Ani Coco, may isang eksena silang kinunan kamakailan sa  Batang Quiapo. Ang eksena’y kailangan nang magpaalam ni Jaclyn bilang si Dolores sa karakter ni Ivana Alawi.

Anang aktor, grabe ang ipinakitang pag-iyak ni Jaclyn sa eksena na akala mo’y talagang nagpapaalam na sa kanyang tunay na anak.

Kasunod niyon, sinabihan ni Coco si Jaclyn na kung pwedeng ulitin ang eksena. Kailangan daw kontrolin nito ang sobrang pagluha.

“Kasi parang isa-isa nang nawawala yung mga character sa kulungan, eh,” tugon daw ng premyadong aktres kay Coco.

At nitong mga nakaraang araw, madalas din siyang niyayakap ni Jaclyn kasabay ng pagsasabi ng “I love you.” 

Nang magtungo naman ang ilang cast ng Batang Quiapo para makisaya sa taunang Panagbenga Festival, naikuwento rin ni Coco na,  “Pagdating ko pa lang ng Baguio, ikinukuwento ko na siya (Jaclyn) kay Cherry Pie. ‘Pie alam mo pinagkukuwentuhan namin ni Mommy Jane si Ma’am Charito Solis, sina FPJ (Fernando Poe, Jr.).

“Tapos ‘yung gabi after ng show sa Baguio, siya pa rin ‘yung pinagkukuwentuhan namin. ‘Yun pala, hindi namin alam may nangyari na pala.”

Pagbabahagi pa ni Coco, natanggap niya ang balitang pumanaw na si Jaclyn noong Sunday, March 3, bandang 6:00 p.m., “Pumunta kami agad ni Cherry Pie sa bahay niya.

Seven (ng gabi), nandoon na kami sa labas. Siyempre nagulat talaga kaming lahat. Hindi namin inaasahan na mangyayari ito,” sabi pa ni Coco.

“Utang na loob ko lahat kay Mommy Jane. Siya ang dahilan kung bakit ako nandito sa ABS-CBN.

“Kung bakit lahat nangyari sa buhay ko. Siya ang kasama ko sa kauna-unahang indie movie ko na ‘Masahista’. Siya ang nag-convince sa akin na pumasok sa TV, sa ABS-CBN,” wika pa ng aktor. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …