MA at PA
ni Rommel Placente
INIHAYAG ni Alden Richards na never naputol ang komunikasyon at friendship nila ni Kathryn Bernardo.
Ito ang sinabi ng aktor sa panayam sa kanya ng ABS-CBN ukol kay Kathryn na nakasama niya sa pelikulang Hello, Love, Goodbye noong 2019. Bagamat ilang taon na ang nakalilipas hindi nawala ang pagkakaibiggan nila at kahit hindi sila nagkikita sa loob ng ilang taon.
Hanggang ngayon ay nakakapag-usap pa rin sila ng dating leading lady. Siyempre pa, very proud ang gwapo at mahusay na aktor sa mga recent achievement ni Kathryn at sa matatapang na desisyon at diskarte nito sa buhay at career.
“Nakatutuwa na I’m really seeing her parang coming out of her shell,” sabi ni Alden.
“Kita mo sa kanya, eh. It manifests. The photos and videos that we see, and the projects that she has been doing, really says a lot about her state of mind right now.
“And the condition of her life right now, she deserves that,” pahayag pa ni Alden sa naturang interview.
Nakatutuwa lang malaman na hindi natapos ang pagkakaibigan nina Alden at Kathryn after nilang magsama sa Hello, Love, Goodbye. Hindi tulad ng iba, na after magkatrabaho at magkasama sa isang proyekto ay walan na ang communication. Hanggang taping/shooting friends lang sila.
Well, marami ang may clamor na sana ay magkaroon ng part 2 ang HLG. Sana nga ay maisipan ‘yun ng Star Cinema na siyang producer ng pelikula. Bitin kasi ang ending ng Hello, Love. Goodbye na kailangan talaga itong magkaroon ng part 2.