Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jaclyn Jose Andi Eigenmann Gabby Eigenmann

Andi  durog na durog sa biglang pagpanaw ng inang si Jaclyn; kumbinsidong walang foul play

ni MARICRIS VALDEZ

ATAKE sa puso o myocardial infarction ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose noong Sabado ng umaga, March 2.

Ito ang binigyang nilinaw ng kanyang anak na si Andi Eigenmann kahapon ng hapon nang emosyonal na humarap sa media para ihayag ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina. 

Kasama ni Andi ang kuya niyang si Gabby Eigenmann nang humarap sa media at sinabing, “At the age of 60 on the morning of March 2, 2024 due to myocardial infarction or heart attack. We’d like to thank everyone who was send extended prayers and condolences to us.”

Anang aktres,  hayaan silang magluksa at sana ay matigil na ang mga haka-haka kung ano ang ikinamatay ng kanyang ina.

“Just like to say that her undeniable legacy will definitely forever live on through her work, through her children, through her grandchildren, and the many lives she’s touched.

“She herself, her life itself was her greatest obra maestra thank you,” umiiyak na pahayag ni Andi.

At habang isinusulat ang balitang ito ay nasa Arlington Memorial Chapels sa Araneta, Quezon City ang labi ni Jaclyn para i-cremate ito. 

Ang isang kapatid ni Andi na si Gwen Garimond Ilagan Guck na nag-aaral sa Amerika ay wala pang balita kung makauuwi ito ng Pilipinas.

Samantala, isa ang aktor na si Jake Ejercito (dating nakarelasyon ni Andi at ama ng anak nilang si Ellie) sa mga unang nagtungo sa kinalalagakan ng bangkay ni Jaclyn.

Kampante naman si Andi na walang foul play sa pagkamatay ng kanyang ina.

Ayon sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) nakiusap ang immediate family ni Jaclyn na huwag nang isapubliko  at pag-usapan ang resulta ng isinagawang imbestigasyon.

Ang SOCO (Scene of the Crime Operatives) ng PNP ang agad na rumesponde noong Linggo sa bahay ng aktres sa Quezon City nang matagpuan itong wala ng buhay.

Ayon sa PNP-Public Information Office (PNP-PI Chief Col Jean Fajardo, kumbinsido ang mga naulilang pamilya ni Jaclyn na walang foul play o anumang kaduda-duda sa pagkamatay nito. 

The family is asking for privacy and they believe that there is no foul play in her death. We are sympathizing with her family and friends,” ani Col Fajardo sa isinagawang press briefing.

“In deference po sa request po ng family for some privacy ay we opted not to discuss further the case involving Miss Jaclyn Jose.

“But naniniwala naman po sila at convinced naman po sila na wala pong foul Play,” dagdag pa ni Fajardo.

Natagpuang wala ng buhay si Jaclyn noong Linggo ng gabi subalit Sabado, March 2 pa pala ito pumanaw, ayon din sa report.

Ang taos pusong pakikiramay ng Hataw sa pamilya na naiwan ni Ms Jaclyn. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …