Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Sobrang epal ni Bong Revilla

SIPAT
ni Mat Vicencio

DAHIL na rin sa mga kapalpakang ginagawa ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., makabubuting huwag na siyang umasa pang makapapasok sa ‘Magic 12’ ng senatorial race sa darating na 2025 midterm elections.

Epal na epal ang dating ni Bong, at maraming nagalit, nabuwisit at napikon na netizens dahil sa ginagawang pagpapakalat ng tarpaulin sa buong bansa na nakabalandra ang kanyang pagmumukha.

Sabi nga… “ang aga namang mangampanya ni Agimat!”

Sa kahabaan ng Mindanao Avenue, Quezon City, sa mismong island o gitna ng magkabilang kalsada, makikita ang magkakadikit at sunod-sunod ang tarpaulin ni Bong para sa kanyang Kapuso comedy show.

Pinagbibidahan ni Bong ang comedy show na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” na dapat ay mas maganda at angkop kung ang gagamiting title ay “Walang Epal na Pulis kung dadagukan ni Misis!”

Pero mukhang tinablan ng hiya si Bong at kamakailan lamang ay binaklas na ang kanyang epal na mga tarpaulin na nagkalat sa QC. Atras si Bong dahil alam niyang galit ang taongbayan at baka balikan siya sa halalan.

Ang nakatatawa, bago pa man kumalat ang mga tarpaulin sa buong bansa, nauna nang nagpatawag ng imbestigasyon si Bong tungkol sa patuloy na paglaganap ng billboards sa mga major thoroughfares o pangunahing lansangan na maaaring magdulot umano ng aksidente o kapahamakan sa mga motorista.

Alam kaya ni Bong na delikado rin ang nagkalat niyang tarpaulin sa mga lansangan na naroroon ang kanyang retrato dahil maaari itong magdulot ng aksidente o kapahamakan?

Ano ba ‘yan, mukhang hindi na nag-iisip si Bong, at parang naubusan na rin ng matitinong advisers para magabayan at mabigyan ng tamang payo, at hindi makanal sa bawat gagawing desisyon.

At hindi dapat kalimutan ni Bong na nasa pang-11 puwesto lang siya noong 2019 elections at napakahirap na lumusot ngayong midterm polls dahil ‘masikip’ ang darating na senatorial race.

Kaya ngayon pa lang, kailangang umpisahan na siguro ng senador ang pagsasayaw ng budots… “nandito na si Bong Revilla… toot, toot, toot, toot, toot… tweet, tweet, tweet… tweet, tweet, tweet…

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …