ni Ed de Leon
NAKAHALATA na rin ang matandang negosyante. Napansin lang ng DOM na panay ang tawag sa kanya ng “love” ng isang starlet, lalo na at naghihintay na magpadala siya ng datung, pero oras na nagpadala na siya, ni hindi sinasagot ang mga tawag niya sa telepono. Napansin din ng DOM na talagang hinuhuthutan na siya dahil paulit-ulit pa raw na sinasabi sa kanya na may indecent proposal ang isang negosyanteng Intsik, na hindi naman niya kinagat dahil alam niyang ang sinasabing negosyante ay bading.
Ganyan naman talaga ang buhay ng mga DOM humanda ka nang bobolahin ka lamang ng syota mo, kung ayaw mong mabola huwag kang mag-DOM.