Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Derek Ramsay Ellen Adarna Antarctica

Derek at Ellen titiyakin makabubuo ng baby sa Antarctica

MA at PA
ni Rommel Placente

NAG-AABANG na ang mga miron sa susunod na kabanata ng marriage life nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ngayong nagliliwaliw sila sa Antarctica. 

Naka-post sa Instagram account nina Ellen at Derek ang mga ganap nila sa nasabing bansa kasama pa ang broadcast journalist na si Karen Davila at ilang mga kaibigan.

Nasabi kasi ni Derek sa panayam sa kanya noon ng media bago ilabas ang MMFF 2023 movie nitong Kampon na bubuntisin niya uli si Ellen at gusto niyang mabuo ito sa naturang region.

Ilang linggo bago ang mediacon nakunan si Ellen at mismong si Derek ang nagkompirma nito.

Pero masaya siya sa estado ng kanyang misis na maaari uli itong mabuntis, kaya naman sinabi nitong gusto niyang maka-iskor kay Ellen sa Antartica kung saan sila pupunta.

Nagbiro pa nga itong baka tawagin nilang ‘antarctic baby’ ang mabubuo nilang baby.

Anyway, umaapaw sa kaligayahan at pag-ibig si Derek para kay Ellen sa caption ng video na ipinost nito habang kinukunan ang asawa na naglalakad sa snow.

Tinanong ni Derek sa video kung masaya si Ellen sa kanilang ganap.

Tugon ni Ellen, “Thank you…Thank you for this amazing gift.”

Sagot naman ni Derek, “I’m your gift.”

Humarap si Ellen at nagbitaw ng linyang “Thank you God for my amazing husband who gifted me this trip.”

Tumawa si Derek sa biro nitong seryoso at walang sarcasm ang pasasalamat sa kanya ng asawa.

She meant that with all her heart.” sey ni Derek.

“I do!” giit naman ni Ellen.

Nagtawanan ng todo ang dalawa sa kanilang palitan ng love messages.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …